NAURONG ang pagpapalabas ng Project February 14 sa iWant. Dapat ay nitong Sabado, Pebrero 9, ang streaming nito, pero nalipat sa Pebrero 16 na dahil may mga inaayos pa, ayon mismo sa post ng Dreamscape Digital head na si Deo T. Endrinal.

Project February 14, an iWant Original series will not stream on February 9 as originally scheduled,” saad sa Facebook post ni Deo.

“iWant recognizes the sensitivity of the topics tackled in the series, including mental health problems, assault, and abuse, and deems it necessary to implement certain measure to safeguard the advocacy of the series in promoting mental heath awareness.

“The new streaming date of Project February 14 will be on Saturday, Feb 16, exclusively on iWant.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nakausap naman namin ang production manager ng Dreamscape Digital for iWant na si Ethel Espiritu,. Ipinaliwanag niya na sa umpisa ng bawat episode ng Project February 14 ay may babala na sila at sa ending ay naglagay din sila.

“Gaya ng nakasulat ng announcement sa iWant, we’re addressing the awareness of sensitivity of the content that’s why we’re doing supplemental video to address ‘yung behavior, to prevent some measure, what kind of support can we give.

“Merong advisory sa opening the one you watch where si direk (Jason Paul Laxamana) and the three cast (McCoy de Leon, Jane Oneiza at JC Santos) were talking about advisory na what about to see needs guidance, you need to watch with someone tapos may supplemental video,” paliwanag ng TV executive.

Nabanggit namin na posibleng bilhin ng Netflix ang Project February 14, dahil ganitong mga kuwento ang karamihang napapanood sa nabanggit na digital platform.

“Feeling ko rin,” mabilis na sagot ni Ms Ethel. “Mas grabe pa nga sa Netflix kasi may mga serial killer din.”

Anyway, tinanong namin kung nakailang hits o views na ang Glorious, na digital movie nina Angel Aquino at Tony Labrusca, na pinag-usapan din nang husto, gaya ng Project February 14.

“Actually hindi ko alam ang metrics, si Sir Deo (Endrinal) ang nakakaalam. I think they have a meter for that, sana tinanong natin kanina si GMO (Ginny Monteagudo-Ocampo, head ng iWant), siya ‘yung may alam sa platform,” sambit ni Ms Ethel.

Nabanggit namin na ‘tila ba sinasadya ng Dreamscape Digital na gumawa ng original movie at TV series na ipalalabas sa iWant na pinag-uusapan nang husto bago ang streaming, tulad nga ng Glorious at Project February 14.

“Hindi naman sadya, marami lang variety of line-up si Sir Deo. There’s drama, horror, love story, thrill. Dapat masagot mo ‘yung needs na hindi lang puwedeng puro romance lang. Hindi limited lang,” katwiran ni Ms Ethel.

Anyway, bago raw ipa-screen ang Project February 14 sa pili at imbitadong mga bisita sa Dolphy Theater ay ipinaalam daw nila ito sa pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Nag-inform kami na meron kaming screening by invitation to promote the material, kasi theater ang Dolphy. Actually walang definite policy on that kasi hindi naman nila covered ‘yung platform, kaya may technical aspect doon sa jurisdiction nila versus platform.

“Kunwari series siya pero nagpa-screening kami by invitation only. We have to inform them (MTRCB) to let them know para malaman namin kung ire-review nila only for that special screening but not for the platform.

“Humingi sila ng kopya pero hindi pa namin naibigay kasi inaayos pa namin, and kaya sila humingi is because for monitoring,” paliwanag ni Ms Ethel.

-Reggee Bonoan