Sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang magagawa tungkol sa pagtataas ng presyo ng gasolina kahit “bitayin pa” siya.
Ayon sa Presidente, umaasa lang ang Pilipinas sa pag-aangkat ng produktong petrolyo, na ang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan ay nakaaapekto sa presyo ng mga bilihin sa bansa.
“Alam mo ngayon wala tayong oil so every time tataas ‘yung oil, automatic tataas lahat ‘yan,” sinabi nui Duterte sa kanyang pagbisita sa Maguindanao.
“Even if you hang me, wala tayong magawa. Bitayin mo man ako ‘pag tumaas ‘yung oil tataas talaga ‘yung presyo because everything that you see is a product of oil,” dagdag niya.
“Ngayon ibinigay ng Pangulong Diyos (ang langis) sa Indonesia, ibinigay sa Malaysia, ibinigay sa Brunei pero wala sa atin. Kaya tayo ‘pag increase wala tayong buffer, walang reserba pang-cover natin. Pagtaas niyan, taas lahat,” paliwanag pa niya.
Genalyn D. Kabiling