SAN FERNANDO CITY, La Union – Makararanas ng 9 oras na pagkawala ng supply ng kuryente sa malaking bahagi ng La Unin at Ilocos Sur sa Enero 16.

Ito ang abiso kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Nilinaw ni North Luzon Corp. communications and public affairs officer, Ernest Lorenz Vidal, na kabilang sa maaepktuhan nito ang

Bacnotan, San Gabriel, Balaoan, Santol, Luna, Bangar, Sudipen, ilang bahagi ng San Fernando City at San Juan sa La Union

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Apektado naman nito ang Sugpon sa Ilocos Sur.

Ang power outage na magsisimula dakong 7:00 ng umaga hannggang 6:00 ng gabi ay Mararanasan ng mga consumer ng La Union Electrict Cooperative (LUELCO).

Ikinatwiran ni Vida ang isasagawang annual preventive maintenance ng transformer ng Bacnotan at Balaoan substation.

Bukod dito, kukumpinihin din ng ahensya ang substation defects ng Bacnotan substation, gayundin ang SCADA System at ang high voltage ppower equipment nito na dumudugtong sa Bacnotan-Bulla 69kV line.

-Erwin Beleo