GUIMARAS – Ipinaramdan ng Pinoy riders sa mga dayuhang karibal na hindi basta ang pagsuko sa laban matapos walisin ang podium sa Stage 2 ng LBC Ronda Pilipinas nitong Sabado sa malaparaisong isla ng Visayas region.

Isang araw matapos pagharian ni Spaniard Marcelo Felipe ng Matrix Powertag’s Japan ang opening race nitong Biyernes sa Iloilo City, ratsada ang Local riders, sa pangunguna nina Marcelo Felipe ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, El Joshua Carino ng Navy-Standard Insurance at Jonel Carcueva ng Go for Gold na nagtala ng dominanteng kampanya sa Stage Two na umarangkada sa kabuuan ng malaparaisong isla ng Guimaras.

Naungusan ni Felipe, nagdiwang ng kanyang ika-29 kaarawan, si Carino sa ratratang ratsadahan sa kabila ng parehong tyempo na naitala na dalawang oras, 40 minuto at 19 segundo. Bumuntot si Carcueva.

Sa kabila nang pagkawala sa podium, napanatili ni Mancebo, beterano sa pamosong Tour de France, ang simbolikong red jersey, matapos makatawid sa finish line sa ikalawang grupo kasama sina Ronald Oranza, ang reigning Ronda king, two-time winner Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance at Dominic Perez ng 7Eleven. Tangan ni Mancebo ang kabuuang oras na 7:47:298.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakabuntot sa overall individual time race sina Oranza (3:52 ang layo) Perez (4:01) at Morales (4:45).

Kabilang sa top 10 sina Matrix’s Junya Sano (4:53), Korail Team Korea’s Joo Daeyeong (4:58), 7Eleven’s Irish Valenzuela (5:20), Army Bicycology’s Mark Julius Bordeos (5:20), at 7Eleven’s Rustom Lim (5:28).

Bunsod ng panalo, nakuha ni Felipe ang No.10 spot may 6:26 ang layo sa lider.

“Masaya ako. At least nakasingit ang Pinoy nang mas maaga. Nasweep pa naming,” sambit ni Felipe.

Sa team event, nangunguna pa rin ang Matrix na may kabuuang oras na 23:34:13, kasunod ang 7Eleven (2:47) at Navy-Standard Insurance (3:31).

Itinataguyod ang karera ng LBC, sa ayuda ng MVP Sports Foundation and supported by Versa 2-Way Radio, Juan Movement Partylist, Joel P Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria and LBC Foundation and in partnership with the Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Iloilo City at Province of Guimaras.

Lalarga ang Stage 3 sa Linggo sa distansiyang 179.4-km Iloilo-Roxas