SA pagtatapos ng siglong ito, inaasahang mas magiging maitim ang karagatan dulot ng climate change, ayon sa pag-aaral na inilathala sa journal ng Nature Communications, nitong Lunes.
Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) na sa pagsapit ng taong 2100, higit kalahati ng mga karagatan ng mundo ang mag-iiba ang kulay, sa pagbabago ng populasyon ng mga algae.
Sa pag-aaral, lumalabas na ang mga nasa asul na rehiyon, katulad ng subtropics, ay mas magiging asul, dulot ng mas mababang bilang ng mga phytoplankton at buhay sa pangkalahatan sa bahaging ito ng tubig.
Sa mga berdeng rehiyon naman, katulad ng mga nasa malapit sa poles, magiging mas berde ang tubig dahil sa pag-init ng temperatura na magdudulot ng mas maraming phytoplankton, base sa pag-aaral.
“The changes won’t appear huge to the naked eye, and the ocean will still look like it has blue regions in the subtropics and greener regions near the equator and poles,” pahayag ng pangunahing may-akda ng pananaliksik na si Stephanie Dutkiewicz.
“But it’ll be enough different that it will affect the rest of the food web that phytoplankton supports,” dadag pa ni Dutkiewicz, principal research scientist sa MIT.
Lumalabas na kulay asul ang karagatan dahil sa mga water molecules na tumatanggap ng halos lahat ng sikat ng araw maliban sa asul na bahagi ng spectrum, ngunit sa anumang organism sa karagatan, katulad ng phytoplankton halimbawa, “the pigment in it will absorb less in the green portions and reflect more green light.”
Lumikha ang mga siyentista ng MIT ng isang modelo upang masukat ang ugnayan ng temperatura at kulay ng dagat at kung ano ang magiging kulay kung tataas ang pandaigdigang temperatura sa 3 degrees Celsius sa taong 2100.
“It could be potentially quite serious. Different types of phytoplankton absorb light differently, and if climate change shifts one community of phytoplankton to another, that will also change the types of food webs they can support,” paliwanag ni Dutkiewicz.
Ayon kay Dutkiewicz, kayang matukoy ng mga satellite ang pagbabago sa hue, na maaaring magbigay ng maagang paalala sa mga pagbabago sa marine ecosystems.
Xinhuanet/ PNA