National tryouts sa SEAG skateboarding, ikinasa ng Go For Gold

SA hangaring mapalakas ang hanay ng Philippine Skateboarding Team sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre, ipinahayag ng Go for Gold ang pagsuporta sa ilalargang national tryout upang mapili ang pinakamatitikas na player sa bansa.

DIDAL: Pinaghahandaan ang 2020 Tokyo Olympics

DIDAL: Pinaghahandaan ang 2020 Tokyo Olympics

Ipinahayag ni Skateboarding and roller sports chief Monty Mendigoria na sisimulan ang paghahanap ng mga bagong talent sa isasagawang Luzon leg national tryouts sa Marso 16-17 sa Iba, Zambales.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Maghaharap naman ang pinakamahuhusay na skateboarders sa Visayas region sa gaganaping serye sa Cebu City kung saan nagmula si Asian Gasmes gold medalist Margielyn Didal sa Abril 6-7.

“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the 2020 Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,’’ pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

Ang National SEA Games qualifier ay nakatakda sa Aug. 24-25 sa Sta. Rosa, Laguna, ngunit bago ito, ang mga pamabato ng Mindanao ang magpapakitang gilas sa Minda leg sa General Santos City sa May 25-26.

Bukod sa target na makamit kahit kalahati sa 13 gintong medalyang nakataya sa SEA Games na gaganaping sa Nov. 30 hanggang Dec. 1 sa Clarl, nakatuon din ang pansin na Go for Gold na makapagpadala ng atleta sa 2020 Tokyo Olympics.

“We will look for the best skaters in the regionals,” pahayag ni Mendigoria, pangulo ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc.

“The top three participants from the regionals will get the chance to prove their worth in the national SEA Games qualifying championship,’’ aniya.

Iginiit din ni Mendigoria, sa pagtataguyod ng Go for Gold, ang pagsasagawa ng skateboarding judges seminar at accreditation examination na pangangasiwaan ni skateboarding icon Warren Stuart sa Feb. 24 sa Rufo’s Telus Building sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Pumailalang ang skateboarding sa bansa nang makasungkit ang 19-anyos na si Didal ng gintong medalya sa nakalipas na Asian Games sa Jakarta, Indonesia. Nakalinya na kay Didal ang pagsabak sa serye ng Olympic qualifying tournaments sa abroad.