Si Rene “The Challenger” Catalan ay naghahanda para sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang mixed martial arts career.

Ang 40 anyos na wushu practitioner ay nakaplanong makatapat ang dating ONE Strawweight World Champion na si Yoshitaka “Nobita” Naito sa undercard ng ONE: REIGN OF VALOR na gaganapin sa Thuwunna Indoor Stadium, Yangon, Myanmar sa Marso 8.

Kapag nanalo si Catalan ay magkakaroon siya ng pagkakataong makuha ang ONE Strawweight World Title na kasalukuyang hawak ni  Yosuke Saruta. Pero bago pa man mangyari iyon ay kailangan muna niyang harapin si Naito.

Marami nang napatumba si Naito tulad ng mga dating World Champions na sina Joshua Pacio, Alex Silva at Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Naintindihan ni Catalan na siya ang magiging underdog sa kanilang laban pero sinisiguro niyang walang makapipigil sa kanyang maabot ang kanyang pangarap.

“I’m physically and mentally ready. I’m two more wins away from becoming a World Champion and I won’t allow Naito to stop me reaching my dream. My hand will be raised in Yangon.”

-ONE Championship (salin ni Angelli Catan)