Mahigit P60,000 halaga ng pekeng panty liner ang nasamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) sa isang pagsalakay sa Antipolo City, nitong Biyernes.

PANTY

Ayon kay Isaac Carpeso, team leader ng NBI-IPRD, sinalakay ng awtoridad ang Misumi Direct Sales sa Unit 5, Okinari Building, Circumferential Road, Antipolo, Rizal, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 46.

Nakuha sa establisyemento, na pagmamay-ari ni Donnah Mae M. Miranda, ang mahigit limang kahon ng pekeng Shuya panty liner.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Samantala, nagsagawa rin ng pagsalakay ang NBI-Davao sa Davao City at nakumpiska ang isang kahong pekeng panty liner.

Ani Carpeso, isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng reklamo mula sa totoong gumagawa ng Shuya panty liner.

"S'yempre 'yung welfare at safety ng ating consumer public 'yun ang maapektuhan nila… 'Yung kita nila mababawasan kasi mas marami ang bibili nito mas mura eh, pero yung quality syempre mas low, kasi sub-standard ito," ani Carpeso.

Ibinebenta ang mga pekeng panty liner sa halagang P250, mas mura kumpara sa orihinal na presyo na mahigit P400.

Nahaharap si Miranda sa kasong paglabag sa trademark infringement o RA 8293, at maaaring makulong ng dalawa hanggang limang taon at magmulta ng P50,000 hanggang P200,000.

-Beth Camia