Sugatan ang 20 katao nang magsalpukan ang pampasaherong jeep at bus sa intersection ng EDSA at Timog Avenue sa Quezon City, ngayong Linggo.

(PHOTO/ ALVIN KASIBAN)

(PHOTO/ ALVIN KASIBAN)

Sa report ni Police chief Insp. Aldrin M. Enrico, hepe ng Traffic Sector 4 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU), naganap ang salpukan sa EDSA kanto ng Timog Avenue, bandang 6:30 ng umaga.

Isinugod ang mga biktima, pawang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan, sa East Avenue Medical Center.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa imbestigasyon ni PO1 Wagner C. Acquisio, bumibiyahe ang ng jeep, minamaneho ni Ignacio Cadayday, mula sa East Avenue at pagtawid sa EDSA ay sumalpok sa Malanday Metro Link bus, na minamaneho ni Allan Marino.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumagilid ang jeep habang bumalandra sa kalsada ang bus.

Kusang sumuko sa awtoridad ang dalawang driver, na kapwa nakakulong at nahaharap sa kaukulang kaso.

-Jun Fabon