Naabo ang bahay ng 240 pamilya sa pagsiklab ng apoy sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City, kahapon.

SUNOG

Sa ulat ni Quezon City Fire Marshal Senior Supt. Jaime Ramirez, sumiklab ang apoy sa Alcoy Street, Bgy. Bagong Pag-asa, bandang 4:00 ng hapon.

Bigla na lamang umanong lumiyab ang bahay ni Aling Jessica Armejo, at mabilis na kumalat ang apoy sa 140 bahay.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Umabot sa ikaapat na alarm ang sunog at naapula makalipas ang isang oras, ayon sa BFP.

Nasa P600,000 ang halaga ng mga naabo habang patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at kung may foul play.

-Jun Fabon