Pinosasan ang isang babaeng Chinese nang bastusin at sabuyan niya ng taho ang pulis na nagpapaliwanag sa kanya kung bakit hindi siya maaaring magpasok ng taho sa MRT sa Mandaluyong, ngayong Sabado.

TAHO (Via DOTr)

Ayon sa Department of Transportation (DOTr-MRT3), inaresto si Jiale Zhang Nepumuceno, 42, sa Boni Station sa Mandaluyong City, bandang 8:30 ng umaga.

Una rito, sasakay sana si Nepumuceno sa tren ng MRT-3, ngunit pagpasok niya sa baggage inspection area ng Boni Station ay sinabihan siya ng dalawang security personnel na kailangan niya munang ubusin ang taho bago pumasok sa istasyon ng tren.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagmatigas umano ang dayuhan at nagpumilit na pumasok sa istasyon ng tren.

Dito na tinawag ng mga security personnel si PO1 William Cristobal, upang ipaliwanag kay Nepumuceno ang bagong security policy na ipinatutupad ng MRT-3 laban sa pagpapasok ng mga liquid items sa mga istasyon at mga tren.

Gayunman, habang nagpapaliwang si Cristobal ay isinaboy sa kanya ng dayuhan ang taho.

Agad inaresto at binitbit si Nepumuceno sa Mandaluyong City Police Station.

Kakasuhan ang dayuhan ng disobedience to agent of person in authority at direct assault.

Mary Ann Santiago