Nagbabadya ang big-time oil price hike sa bansa sa susunod na linggo. Pa-full tank ka na!
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.05-P1.10 ang kada litro ng gasolina, habang 60-65 sentimos naman ang madadagdag sa diesel.
Ang napipintong dagdag-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Asahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang nasabing taas-presyo bukas, Sabado, hanggang sa Martes ng umaga.
Enero 29 huling nagtaas ng P0.55 sa kada litro ng diesel, P0.40 sa kerosene, at P0.20 sa gasolina.
Bella Gamotea