Aprubado na ng House Committee on Transportation ang panukalang batas na magre-regulate sa mga tricycle at magkakaloob ng social security at health care benefits sa mga nagtatrabaho sa nasabing sektor.

Ito ay makaraang pag-isahin ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng komite, ang limang panukalang may kinalaman sa usapin.

“The bill seeks to promote and improve the total well-being of the members of the tricycle sector, particularly the marginalized low-level income earners by providing them with adequate and timely social, economic and legal services, as well as mechanism that shall protect their rights and promote benefits that ensure their dignified existence and economic advancement,” ayon kay Sarmiento, isa rin sa pangunahing may-akda ng panukala.

Aniya, binibigyang kapangyarihan ng naturang substitute measure ang mga lungsod at munisipalidad na kontrolin o ilagay sa ayos ang operasyon ng mga tricycle, kung saan bibigyan nila ng permit ang mga ito alinsunod sa mga alituntunin ng

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Layunin din ng panukala na gawing mandatory ang pagmimiyembro ng mga tricycle driver sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa iba’t ibang benepisyo, kabilang na ang loan.

-Charissa M. Luci-Atienza