Army-Bicycology, tapang at malasakit tungo sa Olympics

ILOILO CITY – Kapit na mga kapatid. Muling raragasa sa kalsadahan ang pinakamahuhusay at batikang siklista sa bansa at sa pagkakataong ito mapapalaban ang Pinoy sa matitikas na foreign riders sa pagsikad ng 2019 LBC Ronda Pilipinas ngayon dito.

HANDA na sa pagbabalik sa Ronda ang Philippine Army-Bicycology.

HANDA na sa pagbabalik sa Ronda ang Philippine Army-Bicycology.

Sa pangunguna ng defending champion Navy-Standard Insurance, at last year’s runner-up Philippine Army Bicycology, itayaya ng Pinoy ang dangal laban sa dayuhang riders na tulad nila ay naghahangad na makakuha ng qualifying points para makausad sa 2020 Tokyo Olympics.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

S a unang pagkakataon, sanctioned ng International Cycling Union (UCI) ang karera na itinataguyod ng LBC, at batay sa bagong qualifying rules ng international body, awtomatikong mabibigyan ng Olympic slots sa Japan ang top 50 bansa.

Target ng Navymen na makopo ang ikaanim na sunod na team championship, habang asam ng Army-Bicycology, sa pangunguna ni veteran internationalist Sgt. Alfie Catalan, na tuldukan ang bridesmaid finish sa torneo sa nakalipas na taon.

Kasama ni Catalan sa Army- Bicycology Shop sina Sgt. Marvin Tapic, Sgt. Reynaldo Navarro, Robinson Esteves, Warren Borders, Mark Julious Borders, at alternate rider Kenneth Lacuesta. Ang koponan ay pinangangasiwaan ni coach Bong Curtan at assistant Joel Duenas, sa pagtataguyod nina Team Sports Director / Manager swimming legend Eric Buhain at Assistant Sports Director and Manager John Garcia .

Nakatuon din ang pansin sa Go for Gold at 7 Eleven Cliqq riders, kapwa Continental teams, na hitik sa kasanayan sa international tournament.

Sasandig muli ang Navy kay reigning Ronda champion Ronald Oranza, kasama sina two-time winner and skipper Jan Paul Morales at 2018 Le Tour titlist El Joshua Carino, Ronald Lomotos, Junrey Navarra at Rudy Roque.

Binubuo ang Go for Gold nina Ronnel Hualda, Ronilan Quita, Jonel Carcueva, Elmer Navarro, Boots Ryan Cayubit at bagong hugot na si Daniel Van Carino.

Nananatili ring palaban ang 7 Eleven squad na binubuo nina veteran Mark Galedo, Marcelo Felipe, 2012 Ronda king Irish Valenzuela, Rustom Lim, George Oconer, Dominic Perez, at Arjay Peralta.

Ang iba pang lokal teams ay ang Team Franzia,pangungunahan ni two-time Ronda winner Santy Barnachea, Team Tarlac at Jaybop Pagnanawon-led Bike Xtreme squad. Mapapalaban sila sa world-class foreign squad na Terengganu, Matrix, Nex Cycling Team, Korail Team Korea, Custom Cycling Indonesia, Cambodia Cycling, PGN Road Cycling at ri Lanka Navy Cycling Team.

Sisibat ang karera, suportado ng MVP Sports Foundation, Versa 2-Way Radio, Juan Movement Partylist, Joel P Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria and LBC Foundation and in partnership with the Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Iloilo City at Province of Guimaras, sa kalsadahan ng Iloilo para sa 197.6- kilometer race