ROSALES, Pangasinan – Nanawagan kahapon ang pamunuan ng Samahang Industria ng Magsasaka (SINAG) na higpitan ang pagbabantay sa mga paliparan laban sa posibleng pagpasok ng African swine fever (ASF) sa bansa.
Paliwanag ni Rosendo So, chairman ng SINAG, dapat ding sitahin ng mga kinauukulan ang mga hand carry bag ng mga pasahero upang matiyak na hindi makalulusot sa mga paliparan at pantalan ang nasabing sakit.
Layunin aniya nito na maprotektahan ang mamamayan sa bansa.
Sinabi nito, ang hand carry bay ay maaaring malagyan ng mga prosessed at mga frozen foods na galing sa ibang bansa na apektado ng swine fever.
Inilabas nito ang apela dahil na rin sa pangamba nang masaksihan ang maluwag na seguriodad sa mga hand carry bag.
Nauna nang tiniyak ng Department og Agriculture (DA)- Bureau of Animal Industry na hindi apektado ng ASF ang bansa.
Kamakailan, iniutos ng DA na itigil muna ang pag-aangkat ng mga karneng baboy at iba pang produkto nito, mula sa mga bansang apektado ng nabanggit na sakit.
-Liezle Basa Iñigo