ART student sa University of the Philippines ang role ni Liza Soberano sa Alone/Together na pinagbibidahan nila ni Enrique Gil, ipapalabas na ng Black Sheep sa mga sinehan next week.

Enrique, Direk Tonet at Liza

Bumilib ang scripwriter/director nilang si Antoinette Jadaone sa kusang immersion ni Liza sa UP community at ni Enrique naman sa doctors to the barrios. Nag-sit in sa ilang klase si Liza, sumakay ng UP Ikot at nag-interview ng ilang estudyante.

Tulad sa mga unang interview ng reporters kay Liza, na-reveal uli ang humility ng dalaga nang humarap sila nina Enrique at Direk Tonet sa media launch ng Alone/ Together.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I never dreamed to b e a UP student because I’m not as smart as them,” prangkang sabi ng pinakasikat na Filipina young actress ngayon.

Kaya maging nang kumuha siya ng college entrance exams, rebelasyon pa ni Liza, hindi siya nangtangka sa UP.

D e s e r v i n g sa tinatamasang kasikatan si Liza, hindi lang dahil napapanatili niya ang pagiging level-headed kundi kahit kumikita na ng multi-milyones, maraming salamat sa maingat na pagma-manage ni Ogie Diaz -- pinahahalagahan pa rin niya ang education.

Hindi pa alam ng nakararami na kahit busy sa showbiz commitments ay nakatutok si Liza sa pag-aaral.

Kumukuha siya ng Psychology sa Southville International School at pursigidong grumadweyt. May binabalak siyang sulating libro pagdating ng panahon na practicing o professional psychologist na siya.

Iilan ang artistang katulad ni Liza. Expected na niyang lumilipas ang init ng kasikatan, k a y a pinaghahandaan na niya ito.

Pero ang irony, ang mga artistang may tamang attitude na tulad niya ang nagtatagal sa entertainment industry.

Dahil kumukupas ang ganda, pero ang dunong na pinayayabong ay lalong namumunga. Maiisip siyempre sa ganitong takbo ng usapan si Charo Santos- Concio. Kaya huwag nang pagtakhan kung pagdating ng araw, maging direktor o executive din si Liza Soberano.

-DINDO M. BALARES