‘Hows of Us’, may artistic excellence award

Ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang napili ng The Film Development Council of the Philippines na bigyan ng Camera Obscura award sa Linggo, sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City.

Daniel at Kathryn

Daniel at Kathryn

Ang Camera Obscura Artistic Excellence Award ay ang pinakamataas na karangalan na iginagawad ng FDCP sa mga pelikula, filmmakers, at artists na nagbibigay ng inspirasyon sa Philippine film industry, dahil sa kanilang tagumpay at husay sa larangan ng pelikula. Ibinibigay ang award na ito taun-taon tuwing Film Ambassadors’ Night.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ito ang inihayag ni FDCP Chairperson Liza Diño sa presscon nitong Huwebes nang hapon.

Kulang isang bilyong piso ang kinita ng KathNiel movie, na idinirek ni Cathy Garcia-Molina handog ng Star Cinema.

Kasama rin sina Kidlat Tahimik at Bianca Balbuena sa bibigyan ng Camera Obscura awards.

Si Kidlat Tahimik ay kinilala kamakailan bilang National Artist for Film at binigyan ng Prince Claus Award sa Amsterdam para sa kanyang pangunguna sa movement ng independent cinema sa bansa at pambihirang kontribusyon sa visual arts at film.

Kahanga-hanga naman si Bianca Balbuena sa kanyang pagbuo ng successful international co-productions at pagpo-produce ng internationally recognized films, gaya ng Hele sa Hiwagang Hapis ni Lav Diaz, at Engkwentro ni Pepe Diokno.

Nitong Oktubre ay pinangalanan din siya bilang Producer of the Year sa Asian Film Commissions Network sa Busan, South Korea. Dahil sa kanyang achievements, siya ay pararangalan para sa pagsisilbi niyang tulay sa Pilipinas sa diverse filmmaking cultures sa buong mundo at sa pagbibigay din niya ng pagkakataon sa young at aspiring filmmakers.

“Malaking karangalan sa FDCP na bigyan ng Camera Obscura sina Tay Kidlat, Bianca, at ang The Hows of Us dahil bukod sa nagawa nila noong 2018 para sa Philippine cinema, sila talaga ang nagrepresent ng pinakamagagaling na sectors na bumubuo sa ating industriya. Inspirasyon talaga sila,” ani Liza.

Bukod sa Camera Obscura awardees, kikilalanin ng FDCP ang 86 na honorees na ibinida ang Philippine cinema sa world stage sa kanilang pagkapanalo sa international film festivals noong 2018.

SHORT FILM CATEGORY

TECHNICAL AWARDS

1. Kamil Roxas, Rendezvous

2. Rob Blackburn, Janus

ACTORS

1. Maricel Balderama, Pas-an

2. Raymond Murilla, Hele

3. Jek Jumawan, Sulyap

4. Christian Apolinario, Ma-Gulong Sayaw ng Buhay

5. Danabelle Gutierrez, Girl Next Door

DIRECTORS

1. Melon Perez, Girl Next Door

2. Mark Dela Cruz, Public Service

3. Arjanmar Rebeta, Ma-Gulong Sayaw ng Buhay

4. Carlo Francisco Manatad, Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month

BEST SHORT FILMS

1. Who Am I directed by Mark Justine Aguillon

2. Manong Ng Pa-aling directed by E. Del Mundo

3. Kiss directed by Harlene Bautista

4. I Did It directed by Bea Maureen Cayone, Christine Anne Roa, and Catherine Anne Roa

5. Pa(g)asa directed by Al-jhun Romel Virgo

6. Palabas (A Country in Moving Pictures) directed by Arjanmar Rebeta

7. Tres directed by James Ocampo

8. Black Palette directed by Fritz Silorio

9. Tubbataha: A National Treasure directed by Don Falsario II

10. Ma-Gulong Sayaw ng Buhay directed by Arjanmar H. Rebeta

11. Kadena directed by Arvin Belarmino

12. Pas-an directed by Geraldo Jumawan and Sherwin Compendio

13. Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month directed by Carlo Francisco Manatad

14. Ngiti Ni Nazareno directed by Louie Ignacio

15. Last Order directed by Joji Alonso

16. Judgement directed by Raymund Ribay Gutierrez

TV AWARDS

TV SERIES

1. Magpakailanman, “Takbo ng Buhay Ko”

2. Tilda Appleseed

3. The One That Got Away

4. Maalaala Mo Kaya

TV DOCUMENTARIES

1. Dan Buenaventura, Local Legends: Bandurria

2. Reel Time: HawBrigada Combat Camera Team

3. Reporter’s Notebook: Yapak sa Pusod ng Dagat (Footsteps on the Seabed)

4. Reel Time: Hawla (The Untold Story of the Village Monster)

5. Alaala: A Martial Law Special

6. Reel Time: Gutom

7. 'Di Ka Pasisiil

8. I-Witness: Silang Kinalimutan (The Forgotten)

9. Philippine Seas

10. Reel Time: Batang Maestro (Little Teacher)

11. Inside Marawi: A Report on 360 Video by Raffy Tima

12. Front Row: Batang Bomba (Bomb Pickers)

13. I-Witness: Behind the Banquet by Mariz Umali

FULL FEATURE DOCUMENTARIES

1. Revolution Selfie; The Red Battalion directed by Steven de Castro

2. No Man Is An Island directed by Nash Ang

3. Am-Amma directed by Dexter Macaraeg

4. Call Her Ganda by PJ Raval

FULL-LENGTH FEATURE CATEGORY

TECHNICAL AND CREATIVE AWARDS

1. John Anthony Wong, Bhoy Intsik

2. Alec Figuracion, The Eternity Between Seconds

3. Carlo Mendoza, 1-2-3

4. Thop Nazareno, 1-2-3

5. Gino Gonzales, Ang Larawan

6. Ryan Cayabyab, Ang Larawan

ACTORS

1. Dido de la Paz, Respeto

2. Odette Khan, Echorsis (Sabunutan Between Good and Evil)

3. Carlos Dala, 1-2-3

4. Timothy Castillo, Neomanila

5. Christian Bables, Signal Rock

6. Allen Dizon, Bomba

7. Ian Veneracion, Ilawod

8. Andi Eigenmann, The Maid in London

9. Mary Joy Apostol, Birdshot

10. Angellie Sanoy, Bomba

11. Ryza Cenon, Mr. & Mrs. Cruz

12. Angeli Bayani, Bagahe

DIRECTORS

1. Sonny Calvento, Nabubulok

2. Mikhail Red, Neomanila

3. Carlo Obispo, 1-2-3

4. Treb Monteras II, Respeto

FULL-LENGTH

1. Area directed by Louie Ignacio

2. Sakaling Hindi Makarating directed by Ice Idanan

3. Bomba directed by Ralston Jover

4. Bhoy Intsik directed by Joel Lamangan

5. Die Beautiful directed by Jun Robles Lana

6. Nabubulok directed by Sonny Calvento

7. Ang Panahon ng Halimaw directed by Lav Diaz

8. Gusto Kita with All My Hypothalamus directed by Dwein Baltazar

9. Bagahe directed by Zig Dulay

Kasama rin sa mga pararangalan ay ang mga pelikulang nanalo sa A-list international film festivals, gaya ng Nervous Translation ni Shireen Seno (NETPAC Award for Best Asian Feature Film sa 47th International Film Festival Rotterdam sa Netherlands at Best Screenwriter for Asian New Talent Category sa 21st Shanghai International Film Festival in China), Respeto ni Treb Monteras II (Centenary Award for the Best Debut Film of a Director sa International Film Festival of India sa Goa, India), at Alpha, The Right To Kill ni Brillante Mendoza (Special Jury Prize sa 66th San Sebastian International Film Festival sa San Sebastian, Spain).

Samantala, ang venue ng event na Samsung Hall ay venue partner at sponsored ng Globe #PlayItRight, Fullhouse Asia Production Studios, Inc., Fire and Ice Productions, HEA Watches, at Sinag Maynila.

Reggee Bonoan