NANGIBABAW ang mga alaga ni American Chris Copas ng Kentucky, USA kasama ang CPB group ng Mindanao para sa solong kampeonato sa 2019 World Slasher Cup 9 -Cock Invitational Derby nitong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

CHRIS COPAS, bagong hari ng World Slasher

CHRIS COPAS, bagong hari ng World Slasher

Gami t ang Kelso, Roundheads at Sweaters na ipinadala kay Gov. Claude Bautista, umiskor ang CPB and Chris entry ng 9 -0 kartada para sungkitin ang prestihiyong titulo.

Kung natalo si Copas sa huling sultada, sana ang kampeon kabilang ang nakalabang si Jomel Gatlabayan.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“The best roosters are here in the Philippines and winning the “Olympics o f Cockfighting” i s everyone’s dream,” sabi ng kaibigan ni Copas na si Joe Brown, 2018 Araw Ng Davao champ.

Isa pang American, si Belle Almojera ng Florida at Santi Sierra ng Cebu ang nakadale ng tig -7.5 puntos.

K u m u h a n g mahalagang suporta ang host na Pintakasi of Champions mula kay Pitgames CEO Manny Berbano. Panalo rin ang Birthday Gift 1 at 2 entries ng Team Alcala, na may walo at pitong panalo ayon sa pagkakasunod.

Mga seven pointers sina Araneta, Biboy Enriquez, sabong idol Patrick Antonio, Jomel Gatlabayan and RGBA Friends, Jimmy Junsay, Doc Marvin Rocafort at Cris/Paolo Mercado.