BUTUAN CITY – Nasamsam ng militar at pulisya ang mga materyales ng pampasabog sa isang pagsalakay sa Purok 14, Sitio Kauswagan, Barangay Bit-os, Butuan City, nitong Martes.

Ayon kay Chief Supt. Gilberto Cruz, regional director ng Northeastern Mindanao Police Regional Office 13 (PRO 13), kabilang sa nasamsam ng mga tauhan ng Butuan City Police Intelligence Branch, City Police Mobile Force Company (BCPMFC), at 23rd Infantry Battallion (23rd IB) ng Phillippine Army (PA) ang

356 piraso ng electric blasting caps na may limang metrong wire at 184 rolyong bala ng caliber 5.56.

Ang mga ito aniya ay nadiskubreng nakalagay sa dalawang ice buckets at dalawang plastic container na nakasakong itinago sa mga halaman sa Purok 14, Sitio Kauswagan, Barangay Bit-os.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Sapat na aniya ang mga ito na makapagsagawa ng sunud-sunod na pambobomba sa rehiyon.

Ang naturang pampasabog ay itinuro ng isang dating rebelde na sumuko sa pamahalaan upang makapagbagong-buhay, ayon pa kay Cruz.

-Mike U. Crismundo