AKSIYONG umaatikabo ang nasilayan ng football fans sa pagsipa ng ikatlong season ng 7s Football League ni dating Azkal Anton del Rosario nitong weekend sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City.

Tampok na event ang kauna-unahang youth division na tinampukan ng apat na koponan.

Nanguna naman ang big clubs sa Philippine Premiere League tulad ng Ceres-Negros FC at Kaya-Iloilo FC, kasama ang FC Loyola-Youth, Socceroos at Bohemians Sporting Club.

May kabuuang 30 laro ang nilaro sa youth division na hinati sa age groups -- U9, U13, U11, at U15.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May kinatawan din ang PPL Clubs Ceres FC at Stallions FC sa Seniors Division.

Hinarap ng Ceres FC ang Tondo FC, gayundin ang defending champions Super Eagles kontra Jason de Jong backed-Bohemian Sporting Club.

“We have already expected that the teams would go after us as we are the defending champions for two seasons already. But we treat every game as if it were our final game of the season,” pahayag ni Super Eagles Head Coach Danny Cross.

Ginapi ng Tondo FC ang Ceres FC; 2-1.

“We do individual trainings as most of us are no longer full-time football players. Ayun yung challenge for us kasi yung makakalaban namin is a much younger and a fresh team na may full-time training. Siguro ang edge na lang namin sa kanila is yung kami, matagal na kami magkakakilala, magkakapitbahay lang kami,” pahayag ni Tondo FC Head Coach Dennis Balbon