“MASYADO nang mahal ang ticket sa sinehan ngayon.”

Ito ang nabanggit sa amin ni ex-Senator Bong Revilla nang imbitahan niya kami sa Kung Hei Fat Choi or Chinese New Year celebration nitong Martes sa Annabel’s.

“So, ‘pag nahalal ka uling senador this 2019, gagawa ka ba ng batas kung paano maibababa ang singil ng ticket sa mga sinehan ngayon?” asked ni Yours Truly.

“’Yon na nga ang aasikasuhin natin ngayon. Kung paano natin gagawin ‘yan. We have to talk to the theater owners. We have to talk to the movie producers. O, baka naman hindi na tayo puwedeng gumawa ng batas pero kailangang ibaba ang singil ng ticket sa mga sinehan para hindi mag-suffer ang mga manonood. Entertainment din ‘yan, eh, bukod sa telebisyon, may Netflix pa ngayon, YouTube, ‘di ba?

Tsika at Intriga

Nakaranas ng binat: Kylie Padilla, apektado sa nanay na sinunog 3 anak

“Sa mahal kasi ng ticket sa mga sinehan ngayon, lalo na sa mga big malls, kung lima kayong manonood, mahigit 1.5k na eh, plus food and transpo pa?

”Sa totoo lang, ang masa, hindi na masyadong nakakapanood ng mga pelikula sa sinehan, dahil nga sa mahal ng ticket ngayon na more than P200 kung hindi festival. At kung festival naman ay more than P300.

“’Yun ang dapat pong pag-usapan ng mga producers, theaters owners, kung ano ang dapat gawin para kung gusto natin talagang buhayin ang industriya ng pelikulang Pilipino ay dapat pag-usapan nila ‘yan. Siyempre, hindi papayag ang theater owners na basta ibababa ang presyo ng bayad sa sine.

“Pero kung tayo ay gagawa naman ng batas para pababain ang bayad sa mga sinehan, dapat pag-aralang mabuti. Para hindi naman maagrabyado ang mga theater owners at saka producers.

“Ngayon, ang nakakapanood na lang ng sine ‘yung talagang may kaya na lang, eh. Kung halimbawa sa isang pamilya dalawa or tatlo kayo, kulang ang isang libo tapos bibili ka pa ng food, popcorn, soft drinks, pamasahe pa. Talagang kulang, hindi kakayanin talaga.

“Baka kapag tumaas nang tumaas ang bayad sa sine, walang masyadong makaka-afford. Mamamatay talaga ang industriya ng pelikulang Pilipino. Dapat siguro talaga i-reconsider ‘yan ng mga theater owners, producers at maski ng mga nakaupong politicians na gawan ng batas ang bagay na ‘yan, para sa ikabubuti nang ating movie industry.”

Korek! At may sense, in pernes, ha! Sige nga, Sen. Bong Revilla, Jr. gawan mo ng batas ‘yan. Huwag nating pabayaan na ang Netflix at YouTube ang siyang papatay sa ating movie industry, pati na rin ang ipinalalabas nilang karamihan ay Korean movies or Korean telenovelas, kahit na nga sabihin pang marami na rin sa mga belong sa millennials ang halos nababaliw-baliw sa mga Korean stars ngayon, sa true lang.

Kaya tuloy uso na rin ang paggawa ng indie films ngayon na tipong “tipid productions”. Pati na rin ang TF ng mga artista, tipid na rin.

Hayzzz, nu’ng kami ay bata pa, ang bayad sa sinehan nu’ng wala pang mga so-called big malls ay beinte singko sentimos lang, dobol movies pa ang mapapanood.

Well, time changes talaga at pati na rin ang value ng pera. Tsuk, ganernnn?!

-MERCY LEJARDE