IPARARANAS ni Tyra Banks ang kanyang supermodel experience sa masa sa kanyang pinakabagong venture: isang supermodel-themed amusement park na may pangalang “Modelland”, ayon sa ulat ng TIME magazine.

Tyra Banks (Photo by: Nathan Congleton/NBC/NBCU Photo Bank via Getty Images)

Tyra Banks (Photo by: Nathan Congleton/NBC/NBCU Photo Bank via Getty Images)

Nang kapanayamin ng Variety, ibinahagi ni Tyra na ang venue, ay bubuksan sa mga huling buwan ng 2019 sa Santa Monica, California, at may plano siyang palawakain ito globally, pagkatapos ng paglulunsad ng flagship park.

“I’ve always been insanely inspired by attractions like Disneyland and Universal Studios and have wanted to bring that spirit of adventure and storytelling to the world of modeling,” sabi ni Tyra. “But not the exclusive modeling industry. I’m talking about modeling for the masses.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sampung taong pinagplanuhan ni Tyra ang konsepto ng Modelland ang “(she) envisions it as a place where visitors can embrace their personal beauty.

“All types of beauty — men and women, young and older — are invited to transform into the dream version of themselves,” aniya. “When people leave Modelland, we want them to feel overjoyed and empowered.”

Ito ang pinakabagong negosyo na inilunsad ni Tyra kaugnay ng kanyang wildly successful modeling career; nang pasukin niya ang fashion scene, ay nilikha niya ang America’s Next Top Model, nagkaroon ng singing, acting at writing career, nag-host ng daytime talk show, pinumunuan ang isang production company, at nagturo na rin siya sa Stanford.