PARANG may pahaging ng bakasyon ang quotation post ni Coco Martin na “Give yourself permission to slow down today. Rest and reflection are key to productivity ang growth” na mula kay Michelle Maros.

Julia at Yassi

Bakasyon din ang nai s ip ni Angel Locsin na nag-comment ng “Haaay salamat!!! Naisipan mo ring magpahinga!!! Happy for you!”

Wala pa namang sinasabi si Coco na magbabakasyon siya dahil tuluy-tuloy pa rin ang taping niya sa Ang Probinsyano at kung magbabakasyon man, ay ilang araw lang siguro. Suportado naman siya ng kanyang supporters kung gustuhin nga niyang magbakasyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, may mga napansin lang kami sa mga comment sa Instagram (IG) ni Coco na tuloy ang pag-aaway ng fans nina Julia Montes a t Yassi Pressman na parehong nali-link sa kanya. Hangga’t walang inaamin na relasyon si Coco, hindi matitigil ang pag-aaway ng dalawang kampo ng fans.

-Nitz Miralles