ILOILO CITY – Papagitna ang tinaguriang r o a d wa r r i o r s , s a pangunguna ng apat na dating kampeon, kabilang si two-time winner Santy Barnachea ng Team Franzia sa pagsikad ng LBC Ronda Pilipinas bukas sa City Health Office dito.

Asam ng 42-anyos na si Barnachea, kampeon dito noong 2011 at 2015, na patunayan na hindi pa siya lipas ng panahon sa kanyang pangunguna sa kampanya ng Pinoylaban sa foreign rivals sa torneo na sanctioned na sa unang pagkakataon ng International Cycling Union (UCI).

Bahagi na ang Ronda ng Olympic qualifying sa 2020 Tokyo Games.

K a s ama n i y a n g magwawagayway ang bandi la nina Ronda winners Ronald Oranza at Jan Paul Morales ng Navy- Standard Insurance at Irish Valenzuela of 7-Eleven Cliqq.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Target ni Oranza ang back-to-back title, habang puntirya nina Morales (2016) at Valenzuela (2012) na makaulit sa karera.

Kasama rin sana si Mark Galedo, ang 2013 title-holder, para sa under- 23 riders, ngunit umatras ang kanilang sponsors.

“Mabigat ang laban. Pero masaya ito, masarap lumaban sa foreigner,” sambit ni Barnachea.

P a n g u n g u n a h a n ni Barnachea ang Team Franzia na binubuo rin nina Alvin Mandi, Kentz, Kentz Krog, Dennis Gabaldon, Ryan Tugawin at Allan Benito.

Bukod sa Team Franzia, sabak din na local teams ang Continental teams Go for Gold, 7 Eleven Cliqq, Bike Xtreme, Team Tarlac at Philippine Army- Bicycology Shop.

Sabak naman sa UCI-sanctioned, five-stage race, ang foreign teams na Terengganu, Matrix, Nex Cycling Team, Korail Team Korea, Custom Cycling Indonesia, Cambodia Cycling, PGN Road Cycling at Sri Lanka Navy Cycling Team.

I t i n a t a g u y o d ang event ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation and supported by Versa 2 -Wa y Radi o , Jua n Movement Partylist, Joel P Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria and LBC Foundation, Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Iloilo City at Province of Guimaras.