Napatay ang isang tauhan ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang lumaban umano sa mga awtoridad habang ito ay inaaresto sa kasong murder sa Jolo, Sulu, kamakailan.

Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insiidente si Alex Habbibondin, alyas “Amah Alex” dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa pahayag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF), sinalakay nila ang lugar matapos silang makakalap ng impormasyon na nagtatago si Habbibondin sa Sitio Barrio Militar.

Hawak ng mga awtoridad ang kanilang warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa Jolo sa kasong murder, nitong Pebrero 7, 2012.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Narekober sa pinangyarihan ng labanan ang isang caliber 357 magnum, ayon pa sa CIDG.

Sa rekord ng CIDG, sangkot din si Habbibondin sa engkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf at militar sa Jolo, nitong nakalipas na Pebrero 2.

-FER TABOY