Bukod sa Metro Manila, nagdeklara na rin ang Department of Health ng measles outbreak sa apat pang rehiyon sa bansa.

RELAX LANG, BABY! Babakunahan kontra tigdas ang sanggol sa barangay health center sa Commonwealth, Quezon City, kasunod ng pagdami ng mga lugar sa bansa na nadedeklara ng Department of Health na may outbreak ng tigdas. KEVIN TRISTAN ESPIRITU

RELAX LANG, BABY! Babakunahan kontra tigdas ang sanggol sa barangay health center sa Commonwealth, Quezon City, kasunod ng pagdami ng mga lugar sa bansa na nadedeklara ng Department of Health na may outbreak ng tigdas. KEVIN TRISTAN ESPIRITU

Sa isang pulong balitaan, sinabi ngayong Huwebes ni Health Secretary Francisco Duque III na idineklara na ang outbreak sa Calabarzon, na nakapagtala ng 575 kaso at siyam ang patay; Central Luzon, 192 at apat ang patay; Western Visayas, 104 at tatlo ang patay; at Central Visayas, 71 at isa ang patay.

“The Department of Health (DoH) is raising once again today the red flag for measles in other regions of Luzon, Central and Eastern Visayas, aside from yesterday’s declaration in National Capital Region,” ani Duque.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang nagdeklara ang DoH ng measles outbreak sa Metro Manila matapos na makapagtala ng 441 kaso at lima ang patay, o pagtaas ng 1,125% mula sa 36 na kaso noong 2018.

“We are expanding the outbreak from Metro Manila to the other regions as cases have increased in the past weeks and to strengthen surveillance of new cases and alert mothers and caregivers to be more vigilant,” anang kalihim.

Aniya pa, masusi ring imino-monitor ng DoH ang mga rehiyon ng Mimaropa, Ilocos, Northern Mindanao, Eastern Visayas, at Soccsksargen nang makitaan ng increasing trend ang mga ito sa mga kaso ng tigdas simula nitong Enero 26.

"As of 26 January, 2019, the DoH-Epidemiology Bureau reported that the number of measles cases in other regions, namely Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa and Bicol Region, has shown an increasing trend (of cases)," aniya pa.

Ayon kay Duque, sa Mimaropa ay naitala ang 3,400% increase kumpara sa dalawang kaso noong 2018; sa Region 1 (Ilocos Region) ay may 64 na kaso at dalawa ang patay (CFR 3%), o 220% increase kumpara noong 2018; sa Region 10 (Northern Mindanao) ay may 60 kaso at walang patay, o 4% pagbaba kumpara sa 63 kaso noong 2018; sa Region 8 (Eastern Visayas) ay mayroong 54 na kaso at isa ang patay (2% CFR), o 5,300% increase kumpara sa isang kaso noong 2018; habang sa Region 12 (Soccsargen) ay mayroong 43 kaso at walang patay, may 34% decrease kumpara sa 66 na kaso noong 2018.

Una nang sinabi ni Duque na kapag nakapagtala ng tatlong kaso ng sakit sa isang lugar ay ikinokonsidera na ng DoH na may outbreak ng sakit.

Isinisisi naman ng kalihim ang pagdami ng kaso sa pagbaba ng measles immunization coverage.

Kaugnay nito, tiniyak ng DoH na ginagawa nito ang lahat upang masolusyunan ang problema laban sa tigdas.

Hinikayat din ni Duque ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak, upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.

Pinaalalahanan pa ni Duque ang mga magulang na sakaling makitaan ng mga sintomas ng tigdas, gaya ng mataas na lagnat, ubo, pamumula ng mata, rashes at iba pa, ay agad itong dalhin sa doktor upang malunasan.

DUTERTE, DISMAYADO

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa measles outbreak sa ilang bahagi ng bansa, na ikinamatay ng 55 katao, karamihan ay mga nasa edad apat, simula nitong bagong taon.

Sa press briefing ngayong Huwebes, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa DoH na aksiyunan ang isyu.

"Siyempre he was saddened. You know, the President is always affected by any negative outcome that relates to children. Nalungkot siya kaya sabi niya gawan ng paraan agad,” aniya.

"He directed Secretary Duque to do something about it and Secretary Duque said, 'We are already doing something about it.' So we're conducting a massive immunization plus information campaign that it's better to prevent than to cure,” dagdag ni Panelo.

Mary Ann Santiago at Argyll Cyrus B. Geducos