IBINAHAGI kamakailan ng Tourism Promotions Board (TPB) ang pagkilala sa Pilipinas ng India bilang bagong Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions/Events (MICE) destination para sa Indian market.

Ito’y matapos makamit ng bansa ang Best National Tourist Organization award at ang Award for New Promising MICE Destination sa ginanap na Business and Luxury Travel Mart (BLTM) sa Delhi, kamakailan.

“A jury board agreed that with better air connectivity, the Philippines increased its potential in India to grow as a prospective MICE destination,” pagbabahagi ng TPB sa kanilang official page.

“Coupled with the continued promotion of the Philippines in India by participation in various travel marts and through sales missions, information about the country as an international destination is disseminated, and the jury board affirmed the Philippines as a stand-out MICE destination through this award,” dagdag pa sa pahayag.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Sa nakalipas na limang taon, tumaas sa average na 18.2 porsiyento ang mga turista mula India, dahilan kung bakit isinama ng TPB ang India sa kanilang 2019 work program.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisikap ng ahensiya na mapalakas ang presensiya ng bansa sa merkado sa muling pagbuhay sa direct flights sa pagitan ng New Delhi at Manila bago magtapos ang unang bahagi ng taon.

Kabilang sa MICE destination sa Pilipinas ang Manila, Cebu at Davao kung saan nakatayo ang mga establisyemento kabilang ang Philippine International Convention Center, ang SMX Convention Center, ang World Trade Center, ang Radisson Blu Cebu, Shangri-La‘s Mactan Resort and Spa, ang SMX Convention Center Davao, at ang Marco Polo Hotel Davao.

Sa kabilang banda, nananatili namang pangunahing atraksiyon, na umaakit sa mga bisitang Indiyano, ang naggagandahang beaches ng bansa.

Dati nang pinuri ni Indian Ambassador to the Philippines Jaideep Mazumdar ang mga naggagandahang dalampasigan ng bansa at serbisyong industriya, na “people from India whenever they come here, they say that they feel welcome and at home.”

Kabilang ang India sa top 12 source market ng Pilipinas, na may kabuuang 121,124 na Indiyano noong 2018.

PNA