MAY pasabog na naman si Lovi Poe sa Instagram, makaraang mag-viral ang ipinost niyang video ng behind-the-scene sa photoshoot ng Belo para sa ad campaign nitong Wet & Dry Dermabrasion.

Lovi copy

Swimsuit bottom lang ang suot ni Lovi habang pinapahiran ng lotion, o kung anuman ang ipinapahid sa kanyang katawan.

Topless si Lovi, pero hindi makikita ang boobs niya dahil nakatagilid ang aktres at ang galing umanggulo. Malaking bagay din na hindi malaki ang kanyang boobs, kaya naitago ito ng kanyang left arm, minsan lang nasilip ang side.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inggit na inggit ang netizens sa guy na nagpapahid ng lotion kay Lovi, at pati sa mga taong present sa photoshoot, dahil nakita nilang hubad si Lovi. Sana raw kasama sila sa photoshoot.

Sa sobrang hit ng BTS video, as of yesterday, may 709,099 views and likes na ito, at almost 2,000 na ang comments na magkahalong positive at negative. Sa female commenters, may naiinggit, may nam-bash, pero karamihan ay humanga sa ganda ng katawan, kawalan ng bilbil, at ganda ng kulay ni Lovi.

Natatandaan namin, minsan na ring nag-post ng picture si Lovi sa IG na topless din siya. Dahil may nakatakip sa lower part ng body niya, hindi malaman kung may suot siyang underwear.

Nang tanungin namin kung may underwear siyang suot sa nasabing photo, pilyang “Hulaan mo” ang sagot niya, na sinundan ng tawa.

-NITZ MIRALLES