SABIK na si Catriona Gray na muling magpakitang-gilas sa New York Fashion Week runway, at sa pagkakataong ito ay bilang Miss Universe 2018.

CATRIONA_

Nag-post ang 25 taong gulang na beauty queen sa Instagram at tinanong ang kanyang 4.5 million fans kung anong beauty trend ang sunod niyang susubukan.

“So excited for NYFW!!! Especially since I can have fun with fashion and beauty looks…speaking of which, what beauty look/trend do you guys think I should try over the next few days?,” caption ni Catriona sa post.

Tsika at Intriga

Braso ng 'cute boy' na naka-white jacket, pinasilip ni Kathryn Bernardo

Matatandaang rumampa si Catriona sa NYFW noong September nang nakaraang taon, ilang buwan bago idaos ang Miss Universe pageant, at rumampa siya para sa American fashion designer na si Sherri Hill.

She “slayed” the stage twice. Una niyang isinuot sa runway ang light pink sequined gown, bago ang yellow caped-gown.

Nakatakdang umuwi si Catriona sa ‘Pinas sa February 20.

-CARLO ANOLIN