Archers ng Koronadal at South Cotabato, nagpakawala ng husay sa PSC-Batang Pinoy

TAGUM CITY -- Nasungkit ng dalawang pambato ng City of Koronadal at dalawang  pambato ng South Cotabato ang unang apat na  gintong medalya na nakataya sa archery sa unang araw ng aksiyon sa 2019 Batang Pinoy Mindanao Leg kahapon sa Tagum City Sports Complex dito.

TINANGGAP ni DavNor Governor Anthony del Rosario ang plaque mula kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (kaliwa), habang nakamasid sina PSC Commissioners (mula sa kaliwa) Charles Maxey, Arnold Agustin, Celia Kiram at Ramon Fernandez at nagdiriwang ang mga batang kalahok sa pagbubukas ng Batang Pinoy Mindanao leg nitong Linggo sa Tagum City.  (PSC PHOTOS)

TINANGGAP ni DavNor Governor Anthony del Rosario ang plaque mula kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (kaliwa), habang nakamasid sina PSC Commissioners (mula sa kaliwa) Charles Maxey, Arnold Agustin, Celia Kiram at Ramon Fernandez at nagdiriwang ang mga batang kalahok sa pagbubukas ng Batang Pinoy Mindanao leg nitong Linggo sa Tagum City. (PSC PHOTOS)

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nanaig sina Justin Matthew Basadre at Romee Jonathan Rioja ng City of Koronadal sa Bowman Boys event at Yeoman Boys event, ayon sa pagkakasunod, habang sina Rhynjyll Yvis Endaya at Grace Signacion ng South Cotabato ang bumida sa Bowman Girls at Yeoman Girls event.

Nagtala si Basadre ng 624 puntos upang gapiin ang karibal na sina Loreno Quin Myer ng South Cotabato (614) at Mark Jubert Angelo Lapiad ng South Cotabato (611).

Ang batang si Rioja naman ay kumana ng 551 puntos sa Yeoman boys sa kanyang unang pagsabak sa Batang Pinoy.

"First time ko po na sumali," pahayag ng pitong taong gulang na si Rioja. "Masaya po ako kasi kahit po unang beses pa lang po nanalo na agad ako," dagdag pa ng Grade 2 student ng Koronadala Central Elementary School.

Ang kanyang kakampi naman na si Basadre ay tatlong beses nang nakalahok sa nasabing kompetisyon na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado ng STI at Alfalink Total Solutions.

Sa girls event, gaya ni Basadre, ito rin ang ikatlong ulit na paglahok ni Endaya kung saan ay nakaabot ito sa National Finals na ginanap sa Baguio City (Bowman at Olympic round).

Nagtala si Endaya ng 634 puntos sa Bowman girls kung saan bumuntot sa kanya ang teammate na si  Geanne Gasendo  ng sa 601 puntos at nasa ikatlong puwesto naman si Althea Kelly Odiong ng Davao sa naitala nitong 611.

"Target ko po na makakuha pa po ng ginto sa mga susunod ko po na events ngayon," pahayag ni Endaya na may nakaaabang pang dalawang events ang mixed at Olympic round.

Ang kakampi niya na si Siognacion naman ay nagtala ng 647 puntos upang iuwi din ang unang ginto ng Yeoman girls event at target pa rin na muling makasungkit ng ginto sa kasunod na event.

-ANNIE ABAD