Laro sa Martes
(Shabab Al Ahli Club)
9:00 n,g. -- Mighty Sports vs AlWahda (Syria)
DUBAI, United Arab Emirates – Sa kabila ng maigsing panahon ng kahandaan, nakipagsabayan ang Mighty Sports sa beteranong Lebanese club team Homenetmen para sa kombinsidong 96-89 panalo Linggo ng gabi sa 30th Dubai International Basketball Championship sa Shabab Al Ahli Club dito.
At nagawang manalo ng Mighty Sports sa kabila nang mababang kalidad ng laro ni NBA veteran Lamar Odom sa ikalawang sunod na laro.
Habang nagpapagpag pa ng kalawang sa laro ang matagal na nabakante na si Odom, magilas ang opensa ni Ginebra resident import Justin Brownlee at NBA veteran Randolph Morris para sandigan ang Mighty Sports sa ikatlong sunod na panalo sa Group B elimination ng 10-team tournament.
Pahinga ng isang araw ang koponan na minimintina ng magkapatid na Alex at Caesar Wongchuking, sa pagtataguyod ng SMDC, Go For Gold, Oriental Group at Healthcube para mapaghandaan ang mga susunod na laban.
“We’re a young team in a sense na we haven’t been together for so long, but I like the composure they showed,” pahayag ni coach Charles Tiu. “That’s why at stretches, even when they (Lebanese) made runs, I just let them play.”
“I want them to grow up, because later in the tournament, we’re gonna face games like this, so we have to know how to win in these types of situations, so this was a good test for us,” ayon sa nakababatang kapatid ni Rain or Shione star Chris Tiu.
Nanguna si Brownlee sa naiskor na 19 puntos, habang kumana si Brickman ng 10 puntos at limang assists.
Iskor:
MIGHTY (96 )– Morris 24, Gray 24, Brownlee 19, Gomez de Liaño 11, Brickman 10, Adams 8, Odom 0, Manuel 0, Gutang 0, Santillan 0, Banal 0, Rike 0.
HOMENETMEN (89) – Hodge 42, Rustom 11, Edevbesha 11, Johnson 10, Aboud 8, Ziada 5, Hadidan 2, Zeinoun 0, Estafan 0, Ketenjian 0
Quarters: 25-18, 51-44, 77-63, 96-89.
-REY C. LACHICA