KUNG seryoso kang eGamer o nagsisimula pa lamang pumailanlang sa mundo ng eSports (Electornic Sports) may pagkakataong kang hasain ang iyong galing gamit ang makabago at maasahang equipment ng Predator.

PREDATOR! Pinasinayahan nina (mula sa kaliwa) VillMan President Manuel Villaroman, Predator Ambassadress Alodia Gosiengfiao, Predator PH Managing Director Manuel Wong, at Predator PH Marketing and Sales Director Sue Ong-Lim ang pagbubukas ng kauna-unahang Predator concept store sa The Annex ng SM City, North EDSA.

PREDATOR! Pinasinayahan nina (mula sa kaliwa) VillMan President Manuel Villaroman, Predator Ambassadress Alodia Gosiengfiao, Predator PH Managing Director Manuel Wong, at Predator PH Marketing and Sales Director Sue Ong-Lim ang pagbubukas ng kauna-unahang Predator concept store sa The Annex ng SM City, North EDSA.

Kamakailan, binuksan ang kauna-unahang concept store ng Predator sa bansa kung saan matatagpuan ang kompletong gaming devices— mula sa high-performance laptops, desktops, monitors, at  professional-grade accessories — hanggang sa pinakamodernong personalized gaming chair, ang Predator Thronos.

Matatagpuan ang Predator concept store sa The Annex ng SM City North EDSA sa Quezon City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakahimpil din sa ang sariling service center para sa agarang atensyon at pagkumpuni sa inyong kagamitin tulad ng Unit Diagnostics, Driver Installation, Software Repair, Memory Upgrading, at HDD Installation.

“Experience means everything for the Predator brand,” pahayag ni Sue Ong-Lim, Predator Philippines Sales and Marketing Director.

“We want to create an environment where gamers can see what incredible possibilities there still are on gaming by creating not only a hub for all their tech needs, but also giving them an immersive gaming experience."

Hindi lamang pangkaraniwang paglalaro ang kailangan sae Sports. Nangangailangan na ito ang modernong kagamitan para mas mahasa ang galing at husay ng e-gamer tungo sa antas na posibleng pan-international competition.

Malayo na ang narating ng eSports mula nang gawin itong demonstration sports sa 2016 Rio Olympics. Naging resular event ang e-Sports sa 2018 Asian Games sa Jakarta at kabilang na sa regular sports na lalaruin sa 2020 Tokyo OIympics.

Ngunit, bago ito, sentro ng atensyon ang mga eGamers, sa gaganaping 30thSoutheast Asian Games sa bansa sa Nobyembre kung saan kabilang ang PUGB(Player Unknown's Battlegrounds) na pinauunlad ng isinasagawang Predator League.

Bukod sa pamosong Predatot Thronos na nagkakahalaga ng P700,000, matatagpuan din sa concept store ang iba pang produkto ng Predator tulad ng Predator Bag (P3,0000; Acer Nitro accessories (P400); Predator accessories (P500); Predator Apparel (P495); Nitro Notebook (P54,999).

Ang Predator Concept Store ay  co-managed ng Villman, kilala bilang supplier ng ng high-grade computer products at retail partner ng  Predator.