SA likod ng kasamaang ipino-portray ni Edu Manzano sa karakter niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano, sa tunay na buhay ay isa siyang mapagmahal at responsableng ama sa kanyang mga anak na sina Luis, Enzo, at Amanda.

Edu copy

Hindi siya nahihiyang sabihan ng “I love you” ang kanyang mga anak, either on the phone or sa kanilang bonding moments.

Thankful din si Edu sa social media bilang effective at faster way para malaman niya ang kalagayan ng mga ito.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Limang bagay ang ini-reveal ni Luis tungkol sa kanyang ama through a video. Una, maayos ito sa pananamit. Strict bilang ama, dala ng pagiging dating miyembro ng Army.

Pangatlo, dapat ay napaaga ang pagsabak ni Luis sa showbiz, pero hindi pumayag si Edu dahil nais niyang pag-aaral ang maging priority ng anak.

Sa maniwala kayo o hindi, therapy ni Edu ang mamalantsa. At sakaling kailanganin uli ang kanyang serbisyo, balak niyang pasukin muli ang pulitika.

-Remy Umerez