BALIK-TAMBALAN sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa Spring Films para sa pelikulang Walang kaParis at si Direk Sigrid Andrea Bernardo ulit ang magsusulat at magdi-direk nito.

Empoy at Alessandra copy

Tinanong namin ang direktora kung kailan isu-shoot ang AlemPoy movie at kung talagang sa Paris nga ang location.

“Hindi pa naman plantsado ‘yung project but yes we’re planning to shoot there. Hindi ko pa naayos ang script. I’m concentrating with my Viva film muna. So anything can happen,” sagot sa amin ni Direk Sigrid.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang sinasabing Viva movie ay ang pagtatambalan nina Xian Lim at Cristine Reyes na kukunan sa Georgia Country at nakatakdang umalis ang direktor sa Sabado, Pebrero 9 at susunod naman ang mga artista sa Pebrero 15.

Tinanong namin kung bakit laging sa ibang bansa ang location ng mga pelikula ni Direk Sigrid.

“Hindi naman. First ko ang Kita Kita (Japan), pangalawa pa lang itong Georgia project sa Viva. Mr and Mrs Cruz was shot in Palawan. Though, ako kasi I really love to travel and sa tingin ko dapat bawat tao o bawat Filipino maka-experience mag-travel.

“Malaki ang mundo. Mahalaga na matuto tayo sa iba’t ibang kultura. Kung hindi pa kaya umalis ngayon, at least makita nila ang mga lugar na hindi pa kayang puntahan pero puwedeng panoorin sa sinehan at ma-inspire sila makapag-ipon at puntahan ang iba’t ibang lugar. Gusto kong ilapit sa mga tao ang mga lugar na hindi pa nila napupuntahan,” magandang ideya ni Direk Sigrid.

Dalawang taon na ang nakararaan nang ipalabas ang Kita Kita na highest grosser sa indie film at ngayong 2019 lang magkakaroon ng follow-up pagkalipas ng dalawang taon.

Bakit hindi kaagad nasundan noong 2018?

“Matagal na talaga nila (Spring Films) ako inaawitan tungkol dito. Pero busy ako nu’n saka hindi pa ako ready magkaro’n ng next film na AlemPoy. They were really waiting for me. So, ngayon may time ako and may naisip na ako for Alempoy, inilapit ko sa kanila,” kuwento sa amin.

-REGGEE BONOAN