DUBAI – Higit na patitibayin ng University of the Philippines ang kanilang hanay para sa susunod na UAAP season.

Ipinahayag ni UP coach Bo Perasol na bahagi ng plano para sa koponan ang pagsasanay sa Las Vegas, gayundin ang pagdalo sa basketball camp sa pamosong IMPACT gym bago bumiyahe sa Belgrade, Serbia, para higit na matutunan ang istilo ng European basketball.

“That is my plans right know, hopefully our sponsors will help us again,” pahayag ni Perasol, kabilang sa mga Pinoy na nagbibigya ng suporta sa kampanya ng Mighty Sports sa 30th Dubai International Basketball Championship.

Kabilang ang Mighty Sports, ayon kay Perasol, sa nagtataguyod sa programa ng UP. Kabilang din si UP star Juan Gomez de Liano sa sports apparel and accessories team.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Perasol ang Vegas trip ay bahagi nang pagpapalakas ng koponan sa pangangasiwa nang makabagong istilo at pasilidad upang mas mapatatag ang kanilang kampanya na muling makalaro sa champoionship.

Sa nakalipas na UAAP championship, ang pamosong “Battle in Katipunan”, winalis ng Ateneo Blue Eagles ang Maroons sa best-of-three title showdown.

“We reached the finals last year because we learned a lot from our camp in Belgrade, so hopefully we will do better if we also train in Las Vegas,” pahayag ni Perasol.

Sa kasalukuyan, kontento si Perasol sa nakikitang samahan nina Kobe Paras, Richie Rivero at de Liano.

“We are close to each other and I am excited to play with them,” ayon kay de Liano.

Ipinapalagay na ang troika nina Rivero, Paras at de Liano, ang pinakamatikas at pinakaaabangan mula nang magtala ng kasaysayan sa UP ang grupo nina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano.

-Rey Lachica