PINAG-AARALAN na ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) ang papapawalak ng cultural exchange sa pagitan ng Pilipinas at Korea, sa pagbubukas ng isang calligraphy exhibit.

Tinawag na “Strokes: Beautiful Korean Calligraphy”, libre ang exhibit na makikita sa KCC Exhibit Hall sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig hanggang Pebrero 28.

Magsisilbi ring pasimulang aktibidad ang exbihit para sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng ugnayan ng dalawang bansa ngayong taon.

“We chose this as a kick-off event to diversify the cultural exchange between the Philippines and Republic of Korea. Language is one of the main aspects of Korean culture,” pagbabahagi ni KCC director Lee Jincheol sa Philippine News Agency (PNA), nitong Biyernes.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Paliwanag ni Lee, bagamat sikat ang mga Korean dramas, pelikula at mga K-pop sa mga Pilipino ngayon, nais itampok ng KCC ang kahalagahan ng lahat ng aspekto ng mga ito—ang wika ng Korea.

“We hope that this exhibit will be a good opportunity for Filipinos to discover and appreciate the Korean language,” ani Lee.

Ipapakita sa exhibit ang nasa 50 calligraphy painting ng 46 na artist mula sa Korean Calligraphy Association.

Aniya, ang mga calligraphy ay naglalarawan ng pakikipagkaibigan, pamilya, at moralidad.

“We also have two calligraphy works that mean ‘we want to be good friends’,” dagdag pa niya.

Ayon sa opisyal, layunin ng Korean Calligraphy Association na maipreserba ang mga calligraphy, na isang uri ng tradisyunal na sining, sa mga susunod na henerasyon.

“Each province in Korea has a branch of the Korean Calligraphy Association, and each branch has projects to maintain the traditional type of Korean calligraphy,” dagdag pa ni Lee.

Samantala, nagsagawa na rin ang KCC ng libreng calligraphy workshop hanggang noong Enero 21.

Ayon kay Lee, nagbukas ang Center para sa publiko na interesadong matuto ng Korean calligraphy.

PNA