Laro sa Lunes

(Shabab Al Ahli Club)

1:00 n.u. -- Mighty Sports vs Homenetmen (Lebanon)

DUBAI, United Arab Emirates – Wala pang ‘breaktrough’ game si dating Los Angeles Lakers star Lamar Odom, ngunit walang problema sa Might Sports.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Muli, ratsada si Ginebra resident import Justin Brownlee, gayundin ang matikas na opensa nina University of the Philippines star Juan Gomez de Liano at Fil-Am Roosevelt Adams para sandigan ang Mighty Sports sa 86-78 panalo kontra United Arab Emirates nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa 30th Dubai International Basketball Championship.

Nakopo ng Mighty Sports ang ikalawang sunod na panalo sa Group B elimination ng 10-club tournament.

Dinumog ng may 2,000 Filipino migrants ang Shabab Al Ahli Club para suportahan ang Pinoy squad at hindi ipinagkait ng 6-foot-10 na si Browlee ang minimithing panalo sa araw na malamya ang laro ni Odom.

Tahasang ipinahayag ni Mighty Sports coach Charles Tiu ang pagkadismaya sa pamamaraan ng kanyang koponan para manalo.

“I’m not happy with how the game turned out. If we play this way in the next few games, we’re gonna lose. We’re not gonna make it past the quarterfinals,” sambit ng 30-anyos mentor at nakababatang kapatid ni Rain or Shine guard Chris Tiu.

“I’m not happy because I wanted to give the other guys a chance to play and they took the game a bit for granted, and just wanted to have fun,” aniya. “So hopefully they learn from this experience.”

Umabante sa 20 puntos (72-52) na kalamangan ang Mighty Sports, pinangangasiwaan ng magkapatid na Alex at Caesar Wongchuking, at suportado ng Go For Gold, Healthcube, Oriental Group at SMDC, sa third period, ngunit nagawa itong habulin ng karibal bunsod ng turnover.

Nanguna sa Mighty Sports si American import Randolph Morris sa naiskor na 20 puntos, habang kumana si Brownlee ng 18 puntos at 11 boards at tumipa si Adams ng 18 puntos at may siyam na puntos si de Liano.

Ginapi ng Mighty Sports sa opening match ang American University, 87-58.

Iskor:

MIGHTY SPORTS (86) ˗ Morris 20, Brownlee 18, Adams 18, Gray 9, De Liano 9, Brickman 4, Gutang 4, Santillan 2, Banal 2, Odom 0, Wongchuking 0, Rike 0.

UAE (78) ˗ Al Zaabi 19, Alshabibi 18, Abdullah 14, Khalifa 8, Issa 8, Khalfan 7, Ibrahim 2, Al Nuaimi 2, Ndiaye 0.

Quarters: 29-24, 49-36, 78-58, 86-78.

-REY C. LACHICA