Si Anthony Tomas, ang President-CEO ng Mynt. Makikita sa tanggapan ng Mynt ang Partners’ Wall, ang dedication mural ng pasasalamat ng kumpanya sa lahat ng partners nito sa nakalipas na mga taon. Ang Mynt ang nangangasiwa sa GCash, ang nangungunang mobile wallet application sa Pilipinas.

Si Anthony Tomas, ang President-CEO ng Mynt. Makikita sa tanggapan ng Mynt ang Partners’ Wall, ang dedication mural ng pasasalamat ng kumpanya sa lahat ng partners nito sa nakalipas na mga taon. Ang Mynt ang nangangasiwa sa GCash, ang nangungunang mobile wallet application sa Pilipinas.

Kung babalikan ang nakalipas na tatlong taon, sinong mag-aakala na pupuwede nang magbayad ng bills, magdeposito sa bangko, magpa-load, at magpadala ng pera gamit lang ang mobile phone? Gamit ang GCash, puwede pala! Hindi na gaya ng dati na kailangan pang lumabas ng bahay o sumaglit ng alis sa trabaho kapag break para sa last-minute bill payment sa bangko o sa bayad center.

Hanap ng mga Pilipino sa ngayon ang mga paraang kumbinyente, epektibo, at laging available. “We are trying to solve the problem of access to basic payments and financial services for Filipinos. Nearly 7 out of 10 do not have access to a bank account, 34% of municipalities do not have a physical bank branch, 90% of the population does not have formal credit. This is what we want to work on and hopefully make a positive impact,” sabi ni Anthony Thomas, ang President at CEO ng Mynt.

Naniniwala si Thomas na marami pang magagawa para sa fintech space sa Pilipinas, kahit pa nagpahayag siya ng kumpiyansa na sa pamamagitan ng pagbabago sa mga traditional channels sa tulong ng digital financial technology services, magagawa ng Mynt na magkaloob ng financial access sa mas maraming consumer, negosyante, at organisasyon.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

Ang Mynt

Ilang taon pa lang ang nakalilipas nang sa loob ng isang eight-seater storage room, sa noon ay bagumbagong Globe Tower sa Bonifacio Global City, ay mabuo ang konsepto para sa mga financially underserved. Karamihan sa mga Pilipino ay walang access sa iba’t ibang serbisyong pinansiyal: Halos pito sa 10 Pinoy ang walang access sa mga bank accounts, nasa 95% ang walang credit cards, at aabot sa 40% ang walang mapupuntahang bangko.

Dahil dito, pahirapan para sa mga pangkaraniwang Juan dela Cruz, na ang arawang suweldo ay nasa P500 lang, ang maglaan ng ekstrang pera para magkaroon ng access sa mas mahusay na serbisyong pinansiyal, dahil ang pagkakaroon lang ng pinakamababang credit card line ay nagkakahalaga na ng P10,000, bukod pa rito ang mahabang panahong gugugulin para makuha ito. Gayunman, handa na ang merkado para sa digital disruption dahil na rin sa mataas na mobile penetration at malaking populasyon ng kabataan.

Sa loob ng nasabing storage room ay naroon ang mahuhusay na empleyado na nagmungkahi ng mga solusyon para sa financial inclusion sa Pilipinas. Kaya itinatag ang Mynt.

Ang Mynt ay binuo noong 2015 bilang strategic partnership ng Globe Telecom at Ayala Corporation para maisakatuparan ang isang cashless nation para sa mas hassle-free na paggastos. Pagsapit ng 2016, pumasok ang Chinese mobile wallet giant na Ant Financial (Alipay), at pinag-ibayo pa nito ang serbisyo ng Mynt sa bansa nang pangasiwaan na nito ang GCash at Fuse Lending, Inc.

Nagkakaloob ang Mynt ng mga makabago at epektibong fintech solutions sa mga consumer, negosyante, at organisasyon. Hangad nitong mabigyan ng financial access ang mga consumer at mga negosyante sa pagpasok sa mga traditional channels para sa mas epektibong digital financial technology services. Nagawa nilang buuin ang mga solusyong ito sa pamamagitan ng aktibong pag-unawa sa mga feedback ng customer feedback, at paniniwala sa technological expertise ng Globe at Alipay.

Nag-o-operate ang Mynt sa dalawang kumpanya: ang GCash, na pangunahing mobile wallet sa Pilipinas; at ang Fuse, isang microlending company na nagpapautang sa mga Pilipino ng mula P1,000 sa pamamagitan ng GCredit ng GCash. Available na ang mga serbisyong ito sa sinumang Pinoy na may mobile phone na makakapagrehistro sa serbisyo.

Ang GCash App

Ang GCash App ang numero unong mobile wallet sa bansa, at lumobo sa pagkakaroon ng 15 milyong registered users sa bansa sa loob lang ng tatlong taon. Kinilala itong Best Mobile Payment App of the Year noong 2017 ng The Asian Banker, at ginawaran ng Best Mobile Payment Service Award ng Telecom Asia Awards para sa 2018. Ito rin ang nangungunang finance app sa Google Play Store simula 2015.

Nag-umpisa sa pagbebenta ng prepaid airtime credits sa mga customer, sa pagpapadala ng pera sa iba pang GCash users, at sa pagbabayad ng bills nang hindi na kinakailangang pumunta sa mga bayad center, mabilis na nagamay ng publiko ang GCash App, at ngayon nga ay isa nang kilala at mahalagang lifestyle app. Kaya na nito ngayon—bukod pa siyempre sa nakaka-scan sa paggamit ng GCash QR – na mag-book ng pelikula sa mga partner na sinehan, direktang magbayad sa Lazada, magbayad nang credit (via GCredit), mag-invest sa mga money market funds, at nagagawa ring pahintulutan ang mga Alipay users sa Hong Kong na direktang magpadala ng pera sa mga GCash users sa Pilipinas.

Bilang bagong feature, maaari ring direktang magpadala ng pera ang GCash App sa mahigit 30 bangko na partner nito, kabilang ang BPI, BDO, RCBC, Unionbank, Metrobank, at marami pang iba, at may panahong libre ang nasabing serbisyo.

Kahit sino ay maaaring mag-download ng GCash App at mag-register para sa GCash account. Dahil sa napakaraming features nito, mauunawaan ng mga customer na maaari nilang maresolba ang kanilang pain points gamit ang app.

Noon, tinatanggap ni Bong Yusingco, isang manggagawa mula sa Quezon City, ang perang padala ng kanyang anak mula sa isang brick-and-mortar remittance center, pero ngayon ay GCash na lang ang gamit niya. “Pinadalhan ako ng pera ng anak ko pambili ng gamot, dahil sa GCash walang bayad magpadala. No hidden charges, ‘di nabawasan ang pera ko,” aniya.

GCash App din ang gamit ni Justine Concepcion, isang empleyado sa Taguig, at marami itong silbi para sa kanya, bukod sa pagwi-withdraw niya ng pera. “Any payment has been easy since I used GCash. I can pay my bills and enjoy my shopping without bringing my wallet! Not only that, I can withdraw money using my GCash Mastercard without getting charged,” sabi niya.

Ang mga customers na walang GCash App ay maaaring magrehistro sa pamamagitan ng pag-dial ng *143# sa kanilang bar phones at hanapin ang GCash, o kaya ay hanapin ang @gcashofficial sa Messenger.

Tinutumbok ang Financial Inclusion

2 copy

GCash sa Palengke, Taxi at Tricycle, puwede pala.

Nauunawaan ang paghihirap ng mga walang sariling bank account, nag-develop at nagmantine ang Mynt ng mga GCash ecosystems sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ngayon, ang GCash ay mayroong mahigit 30,000 QR merchants sa Pilipinas, na may 137% QR payment growth kung ikukumpara sa base nito noong Disyembre 2017, na nagkalat sa mga mall, sa mga establisimyento, sari-sari store, at tinderong naglalako—mula sa mga taho vendor, hanggang sa nagbebenta ng ice cream, at magbabalut.

Upang mapaigting pa ang GCash ecosystem, sinimulan na ng kumpanya na pasukin ang grassroots-level industries sa sektor ng transportasyon at pagbebenta. Ang NEW ROTODA, ang pinakamalaking grupo ng mga nagta-tricycle sa Rodriguez, Rizal, at may mahigit 1,350 miyembro, ay nagsimula nang tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng GCash QR.

Sobrang excited nga si Mike Alvarez, board member ng NEW ROTODA, na makagamit ng GCash at tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng GCash QR.

“Masaya ang buong NEW ROTODA, kasi biruin mo, puwede ka na magbayad sa tricycle gamit ‘yung telepono mo lang. Pinakaproblema kasi namin parati, eh, ‘yung barya. ‘Pag walang panukli, magpapapalit ka pa. Tapos ganun ulit mamayang tanghali, mamayang hapon. Dito, eksakto ‘yung bayad, eh. Tapos kahit wala kaming bangko, lahat ng pera namin mapupunta sa GCash, tapos puwede naming kunin sa mga ATM o sa mga GCash partners,” natutuwang kuwento ni Mike. Ang Mynt, sa pamamagitan ng GCash, ang una sa bansa na nagsakatuparan ng digital payments sa isang samahan ng mga tricycle driver sa Pilipinas.

Karaniwan nang nasa P8 ang bayad sa tricycle sa bansa kung makikisakay sa ibang mga pasahero, na aabot sa P40 sa solo ride o espesyal na biyahe. Madalas na pinoproblema ng mga tricycle drivers, gayundin ng mga namamasada ng jeepney at UV Express, ang isusukli sa mga pasahero. Kapag walang barya ang driver sa malaking pera ng pasahero, maghahagilap pa ng maisusukli ang pobreng driver bago pa makababa ang pasahero, kung ayaw niyang malibre na lang ang nasabing biyahe niya. Sa GCash, laging eksakto ang bayaran ng pasahe.

Naresolba na rin ng GCash ang problemang ito ng is sa pinakamalalaking taxi operator sa Cebu. Tumatanggap na ngayon ang Coromina Taxis ng GCash para sa daan-daang unit nito na namamasada sa Queen City of the South. Gumagamit ang mga Cebuano at mga turista ng Scan to Pay payment technology ng GCash.

Isa pang oportunidad na inaasinta ng Mynt para sa financial inclusion ang mga palengke. Ang kumpanya ang kauna-unahan sa Pilipinas na naglunsad ng digital payments sa mga pampublikong palengke. Sa ngayon, mayroong 11 malalaking palengke sa bansa ang tumatanggap na ng GCash QR, at mas marami pang lokasyon ang magkakaloob ng kaparehong serbisyo ngayon 2019.

Kumbinyente na ang pamimili ng mga GCash customers sa mga GCash Palengke: kabilang sa mga partner ang karne, manok, isda, gulay, at maraming iba pa. “Mula ngayon, ang ating mga mamimili at ang mga manininda ay puwede nang gamitin ang GCash para sa mas simple, mas safe, at mas convenient na pamamaraan ng pagbayad. Ngayon ang simula,” sabi ni JM Aujero, Mynt’s Vice President for Merchant Solutions.

Sinabi ni Maximo Macalipes Jr., bisor sa Agdao Public Market: “We are amazed with the technology and the convenience brought about by GCash here in Agdao. Before, you have to purchase with cash. Now, it’s as easy as pointing your smartphone on the QR code, and entering your payment amount. This is new technology in the Davao region, and we’re happy to be the first digital palengke in the Mindanao.”

Sa pamamagitan ng QR, didirekta na ang bayad sa GCash account ng tindero o tindera, kaya magagamit na ang sangkatutak na serbisyo ng GCash, kabilang ang pagpapadala ng pera sa mga mahal sa buhay saanmang panig ng bansa na libre nang ilang segundo, o pagpapadala ng pera sa mahigit 30 partner bank accounts. Maaari rin namang direkta silang mag-withdraw ng kanilang pera sa mga ATM gamit ang GCash Mastercard, o gamitin ang kaparehong card para sa mga paraang hindi nila nagagawa noon, tulad ng pag-swipe kapag namimili sa mga mall. Ang nasabing features ay nagkakaloob ng kakayahang tulad ng sa may credit card, o may sariling account sa bangko.

Sa Boracay—isang cashless beach getaway: Puwede pala!

Nagkaroon ng kasunduan ang GCash sa Malay Boracay Vendors Association (MABOVEN) para sa modernong paraan ng paniningil ng mga magtataho, magpuprutas, hair braiders, massage therapists, at iba pang negosyante sa kani-kanilang mga customer. Kasama sa litrato ang ilang opisyal at kasapi ng MABOVEN kasama sina Globe Telecom President-CEO Ernest Cu at Mynt VP for Merchant Solutions and Sales, JM Aujero.

Nagkaroon ng kasunduan ang GCash sa Malay Boracay Vendors Association (MABOVEN) para sa modernong paraan ng paniningil ng mga magtataho, magpuprutas, hair braiders, massage therapists, at iba pang negosyante sa kani-kanilang mga customer. Kasama sa litrato ang ilang opisyal at kasapi ng MABOVEN kasama sina Globe Telecom President-CEO Ernest Cu at Mynt VP for Merchant Solutions and Sales, JM Aujero.

Ang GCash ang unang mobile wallet sa Pilipinas na naglunsad ng digital payments sa mga partner nito sa Boracay, tulad ng Boracay Foundation, Inc. (BFI) at MABOVEN. Ang BFI ay isang non-profit organization na tumitiyak sa kapakanan ng pangangailangang pangkalikasan, pangnegosyo at panlipunan sa isla. concerned at sustaining the island’s environmental, business, and social needs. Ang MABOVEN naman ay samahan ng mga vendor sa Boracay.

Nakikipagtulungan ang GCash sa mga nasabing organisasyon upang matiyak hindi lang ang mga transaksiyong cashless, kundi masigurong malinis ang dalampasigan sa pagbabawas ng basurang papel, tulad ng resibo, at ng konsumo sa kuryente sa isla kung pa-scan na lang ang mga transaksiyon sa GCash QR.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 400 GCash partner merchants sa Boracay, at mahigit 100 pinagsamang mga negosyanteng GCash-Alipay sa isla, na ang huli ay handa, siyempre pa, sa mga turistang Chinese na mayroong Alipay App. Tinitiyak ng pinagsamang GCash-Alipay QRs na madali lang para sa mga turista ang makipagtransaksiyon sa mga lokal na negosyante.

Kauna-unahang trust score sa Pilipinas. Puwede pala.

Determinado ang Mynt sa malawakang financial inclusion sa pagkakaloob ng hassle-free loans sa mga Pilipino sa tulong ng Fuse, na pangunahing umaayuda sa populasyon ng mga walang sariling bank account sa bansa.

Nag-aalok ang Fuse ng GCredit at GScore para sa pagpapautang at credit scoring, ayon sa pagkakasunod. Ang GCredit ay isang credit line na konektado sa GCash account ng isang uutang ay may pondo na magagamit sa pamimili ng groceries, gamot, at maging school supplies sa mga katuwang na negosyante na babayaran sa pamamagitan ng GCash scan. Ang halagang mauutang ay tutukuyin ng GScore, ang kauna-unahang trust score sa Pilipinas na tumutukoy sa kakayahang pinansiyal ng isang tao na mabayaran ang kanyang inutang batay sa paggamit nito ng GCash. Ang GCash ang mobile money service ng Mynt.

“We are committed to enable the aspirations of the financially-underserved. With Fuse, we aim to create and sustain opportunities for growth and stability for individuals and businesses alike through responsible and fintech-enabled lending,” sabi ni Anthony Thomas, President-CEO ng Mynt.

Naniniwala ang Fuse na ang pag-utang na ibinase sa mga datos ay makalilikha ng sustainable at natatasang credit product sa bansa.

Tinutugunan ng GScore, ayon kay Thomas, ang pahirapang pag-utang ng maraming Pilipino dahil sa kawalan ng mga pormal na dokumento na magpapatunay ng kakayahang pinansiyal nila. Sa halip, magkakaloob ang GScore ng “trust score” na makukuha ng tao nang walang masyadong requirements sa pamamagitan ng regular na mga GCash transactions, gaya ng pagpapa-load, pagbabayad ng bills, pagbabayad para sa mga produkto at serbisyo, at iba pa.

Sa kasalukuyan, maraming Pinoy ang napipilitang lumapit sa mga hindi lisensiyadong nagpapautang, o iyong nagpapautang ng “five-six” dahil wala itong hinihinging collateral o mga dokumento. Pero ang kapalit nito, sobra-sobra ang sinisingil na interes sa utang, na umaabot sa 20 porsiyento o mas mataas pa, kaya naman nababaon sa utang ang gipit hanggang sa tuluyan nang hindi makaahon sa pagkakautang.

Maaaring maiwasan ang sitwasyong ito sa tulong ng GCredit. Gamit ang GCredit, kapag binayaran na ng customer ang balanse ng kanyang utang, awtomatikong maglalaho na ito. Dahil dito, nagkakaroon ng peace of mind ang customer at nariyan lang ang pondo sakaling may mga emergency. Bukod pa rito, ang mga tuluy-tuloy at maayos na gagamit at magbabayad gamit ang kanilang GCredit ay bibigyan ng mas mataas na GCredit limits.

GCash at mga MSME

Ang sektor ng Micro, Small and Medium enterprises (MSMEs) ay binubuo ng 99.6% ng lahat ng rehistradong negosyo sa Pilipinas, at ineempleyo ang mahigit sa 60% ng kabuuan ng mga manggagawa sa bansa. Karamihan sa mga MSME na ito sa bansa ay nagpapasuweldo sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng tseke at saklaw ng mga cutoff ng mga bangko para sa payroll disbursement. Karamihan sa kanila ay nahihirapang makatugon sa mga umiiral na requirements para sa mga bank accounts at sa requirement para sa mga dokumento.

Sinusuportahan ng GCash ang sektor ng MSME sa pamamagitan ng PowerPay+. Isang itong bundled funds disbursement facility na nagpapahintulot sa pagbabayad ng suweldo, mga allowance at mga komisyon sa kumbinyente at ligtas na paraan. Bibigyan ng GCash PowerPay+ ang mga MSME ng access sa madaling gamiting online portal para sa mabilisang pagpapasuweldo. Sa katunayan, nasa 200 microenterprises na ang gumagamit ngayon ng PowerPay+. Patuloy na aayuda ang GCash sa mas maraming MSMEs sa bansa ngayong 2019.

Para sa mga impormasyon, silipin ang gcashbiz.com at magpadala ng e-mail sa [email protected] para sa anumang katanungan kung paano magiging PowerPay+ MSME partner.

Mynt sa 2019

Ano pa ang mga gagawin ng kumpanya? Para sa pagsusulong ng financial inclusion, patuloy itong magtatatag ng ecosystem sa bansa, pararamihin ang mga GCash merchants, mas maraming lokasyon na pagpopondohan ng inyong GCash account, at magbibigay ng mas maraming features ang GCash App.

“The biggest competition of GCash is cash itself. Cash is still king in the Philippines currently,” sabi ni Thomas. “We’re looking forward to a cashless nation in the next three to five years, and we aim to do it by improving our services better together with our partners from the Ayala Corporation, Globe Telecom, and Ant Financial, and educating Filipinos on how they can be financially included just by using the GCash App,” dagdag niya.

Pinangungunahan ng Mynt, GCash, at Fuse ang mga pagbabago sa digital payments industry sa nakalipas na tatlong taon. Kabilang sa iba pang pagtatagumpay ng kumpanya ang pagiging una sa paggamit ng blockchain technology sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa.

Kung gustong maging GCash Partner Merchant, mag-email sa [email protected]. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mynt, GCash, at Fuse, mag-email sa [email protected].

I-follow din ang aming mga media channels sa Facebook. Para sa customer support, bisitahin ang facebook.com/gcashcare o mag-email sa [email protected]. Para sa mga promo, sa facebook.com/gcashofficial naman.

Magpa-load para magkawanggawa? Puwede pala sa GCash

Sina (mula sa kaliwa) Ray Berja (Chief Finance Officer, Mynt), Edward Layug (Vice President, Mynt), Anthony Thomas (President-CEO, Mynt), Ernest Cu (President-CEO, Globe), Eugenio

Sina (mula sa kaliwa) Ray Berja (Chief Finance Officer, Mynt), Edward Layug (Vice President, Mynt), Anthony Thomas (President-CEO, Mynt), Ernest Cu (President-CEO, Globe), Eugenio "Gabby" Lopez III (Chairman, ALKFI), Susan Afan (Managing Director, ALKFI), Angelita Lara (Chief Finance & Services Officer, ALKFI), Paul Vincent Mercado (Central Marketing Head, ALKFI), at GCat (official mascot ng GCash) sa MOA signing.

Sa pamamagitan ng pagpapa-load, tumutulong ang GCash sa mga nangangailangan. Gamit ang GCash, mas madali na ang pagtulong sa pinadaling application. Sa panahon ngayon ng digital age kung kailan namamayagpag sa mundo ang mga smartphone at IOS, kahit sino ay maaaring maging kasangkapan ng pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan. Mas madali na ang pagtulong sa pamamagitan ng pag-download at paggamit sa GCash App.

Pinagtibay kamakailan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI) ang pakikipagtulungan nito sa GCash, ang nangungunang mobile wallet sa bansa, sa paglalaan ng digital platform para sa mga donasyon sa tulong ng GCash App.

Isang dedicated GCash Quick Response Code (QR Code) ang ibibigay ng Mynt para sa Lingkod Kapamilya na available sa lahat ng participating stores sa bansa at sa ABS-CBN Compound sa Quezon City.

Ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. ang socio-civic arm ng ABS-CBN, na layuning papag-ibayuhin ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Nasa ilalim nito ang Bantay Bata 163, Bantay Kalikasan, at Operation Sagip.

Ang bawat Buy Load GCash transaction sa GCash App ay katumbas ng P1.00 donasyon sa mga programa at adbokasiya ng ALKFI. Layunin ng pagtutulungang ito na makumbinse ang digital at non-digital natives na ang pagtulong, sa malaki man o maliit na paraan, ay malaking bagay na para maayudahan ang mga bata, mga komunidad, at ang mga nangangailangan.

Libreng pera padala? Puwede pala sa GCash.GCASH

Nai-imagine n’yo ba na pagbabayarin kayo ng P250 money transfer fee sa pagpapadala ng P10,000 sa isang mahal sa buhay na nasa ibang rehiyon sa Pilipinas? Ganyan ang sinisingil ng mga tradisyunal na remittance centers sa mga Pilipino sa bawat “pera padala”. Libre dapat ang bayad sa mga electronic transactions, dahil sa totoo lang ay kakarampot lang ang halaga nito, o kung minsan ay wala naman talagang nagagastos.

Kung mayroon kayong telepono—kahit pa smartphone o bar phone – maaaring gamitin ang GCash sa libreng pagpapadala ng pera. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang mga singiling iginigiit ng mga remittance centers.

Ang mga beripikadong GCash users ay maaaring magpadala ng hanggang P100,000 sa iba pang GCash users saanman sa Pilipinas. Nangyayari ito in real-time, dahil matatanggap ang perang ipinadala sa loob lang ng ilang segundo, at pagkatapos ay maaari nang mag-cash-out mula sa mga GCash Partner Outlets sa bansa. May opsiyon din na i-withdraw ang GCash mula sa mga BancNet at Mastercard ATMs sa bansa, kung mayroong GCash Mastercard.

Bukod sa pagpapadala ng pera sa probinsiya, ideyal din ang GCash sa pagtanggap ng bayad sakaling kayo ay freelancer o nagbebenta online. Maraming Instagram sellers ang tumatanggap ng GCash payments at kina-cash out na lang, dahil maraming dokumentong hinihingi ang mga bangko, at matagal pa ang proseso nito.

Magbayad sa Lazada sa GCash? Puwede pala.

Maaari nang direktang magbayad ang mga GCash users gamit ang kanilang GCash wallet sa pag-check out. Kailangan lang piliin ang GCash bilang payment method, i-link ang GCash-registered mobile number, at kumpirmahin ang pagbabayad. Ise-save ang enrolled GCash account bilang pangunahing paraan ng pagbabayad sa mga susunod na pagbili, kaya mas maiksi na ang panahon ng log-in.

“Being able to shop online using the GCash App solves two problems, mainly providing access and convenience to consumers to shop online without a credit card, and enabling merchants to expand their consumer base and minimize risk on COD transactions,” sabi ni Thomas, President-CEO ng Mynt. “This goes back to our journey for financial inclusion. Now, no matter how small or big a Filipino is, he or she can enjoy Lazada goods and services via GCash,” dagdag niya.

Ang Mynt ang operating company ng GCash.

Sinabi ni Ray Alimurung, CEO ng Lazada Philippines: “With Lazada and GCash’s collaboration, customers will have more flexible payment options and enjoy exclusive and exciting promotions. Lazada is the biggest online shopping destination in the Philippines, offering 70 million products and 10,000 brands."

May promo ngayon ang GCash at Lazada, kung saan maaaring manalo ng sariling condominium unit ang GCash customer sa paggamit lang ng code na “GCASHCONDO” sa pag-check out at pagbabayad gamit ang GCash.

QR code payment sa Facebook Messenger? Puwede pala.

Nang ilunsad ng GCash ang QR payments technology sa Pilipinas noong 2016, target lang nito ang paggamit ng GCash App. Ang mga customer na nag-download ng GCash App ay magla-log-in lang at ita-tap ang “Pay QR” button upang mag-scan at magbayad. Pero sa bagong update, binagong muli ng kumpanya ang local digital payments scene sa pagiging una sa paggamit ng QR payments sa pinakamalaki at pinakasikat na chat app – ang Facebook Messenger.

Masigla ang QR technology sa mayayamang bansa sa Asia, tulad ng China, kung saan gumagamit ang mga tao ng QR payments gamit ang kanilang smartphones gamit ang mga app na tulad ng Alipay – ang nangungunang Chinese mobile wallet na may mahigit bilyong users. Sa pagpapalawak ng GCash mula sa app-only QR payments hanggang sa Messenger App QR payments, layunin nitong makuha at ang nasa 54 milyong gumagamit ng nasabing chat app sa Pilipinas.

“We believe that the partnership with Facebook Messenger will help GCash in two prongs: one is to educate and familiarize more than half of the Philippine population on what QR technology is and its role in payments, and the other one in enabling the financially underserved, since customers can also do other GCash transactions in Messenger, some of which are the Buy Load and Send Money services,” sabi ni Anthony Thomas, President-CEO ng Mynt.

“And since Messenger is free to access on most telco networks, I’m inviting people to search for our official GCash account and register for them to be able to enjoy discounts and promos,” dagdag ni Thomas.