MUSIC, film, at concert producer ang role ni Gabby Eigenmann sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Inagaw Na Bituin. Kahit mahusay na aktor, natsa-challenge pa rin si Gabby sa gagampanang karakter dahil first time niyang gagawin ang ganitong role at kailangang tama ang kanyang kilos, pati pagsasalita at dating ay dapat wasto rin para paniwalaan siyang music, film at concert producer.

Gabby copy

“Isa sa nagpapa-excite sa akin sa role at karakter kong si George del Mundo, medyo tricky ang karakter ko. Hindi malalaman ng viewers kung masama o mabait ako at kinakabahan ako. I’ve talked with the writers para malaman ang progress ng karakter ko at kakausapin ko sila uli,” sabi ni Gabby.

Nababasa ni Gabby ang comments online ng netizens na nagsasabing dapat pang-primetime ang time slot ng Inagaw na Bituin, kaya lalo raw natsa-challenge ang cast, kasama na si Gabby. Si Direk Mark Reyes ang direktor ng serye at mapapanood na ito ng Kapuso viewers simula sa February 11.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tama naman na sa presscon ng Inagaw Na Bituin lumabas ang balitang buntis ang kapatid ni Gabby na si Andi Eigenmann, kaya hindi maiwasang matanong siya sa isyu.

“Actually, hindi na isyu ‘yan and I’m not the right person to talk about it. She’s an adult, she’s 29 already, kaya hindi na ako makikialam.

“I will always be a brother to her, but I can’t be her parents. Pero dahil kapatid ko siya, I will always support her. As long as she’s happy, okay sa akin ‘yun,” panimula ni Gabby.

Hindi pa nakikilala ni Gabby ang boyfriend ni Andi na si Philmar Alipayo, kaya hindi niya sinagot ang tanong kung boto siya rito.

“Sa lahat ng minahal ni Andi, hindi isyu kung boto ako o hindi. It doesn’t matter at si Andi pa rin naman ang nagde-decide kung sino ang mamahalin niya.

“Sabi ko nga, as long as she’s happy, wala na kami roon. Hindi ako nakikialam sa personal lives ng mga kapatid ko, unless lumapit sila sa akin. Ang importante sa akin, kung masaya sila at tingin ko kay Andi, masaya siya, okay na ako roon.”

Anyway, bukod sa Inagaw Na Bituin, ginagawa ni Gabby ang pelikulang Versus kung saan first time siyang gaganap na transgender. Ilang beses na siyang gumanap na beki sa movies and TV, but it is his first time to portray as a transgender.

“Ang worry ko ‘yung boses ko na baka ‘di ko ma-sustain ang boses babae. Challenge sa akin ‘yun, mabuti at nakatutok si Ralston (Jover, direktor ng pelikula). May asawa ako rito, si Sunshine Dizon at isa ‘yun sa isyu ng movie,” sabi ni Gabby.

Kagagaling lang ni Gabby at ng kanyang pamilya sa three-week long vacation sa Europe. Natutuwa siyang may mga bago siyang project, dahil makakaipon uli siya para sa next family travel nilang pamilya.

-NITZ MIRALLES