MAGKAIBIGAN sa tunay na buhay sina Sylvia Sanchez at Ynez Veneracion, bukod pa sa nasa iisang management company sila na Powerhouse Arte, Inc., kaya talagang sanggang-dikit sila.

Kasama si Ynez sa pelikulang Jesusa ni Ibyang, at naikuwento ng huli na kapag nasa set sila ay hindi niya totally kinakausap ang una dahil nawawala raw siya sa focus.

“Sinasabihan ko siya na hindi siya puwedeng maawa sa akin sa Jesusa, kaya off cam hindi ko siya kinakausap, hindi ko siya pinapansin. Kasi nanood siya sa eksena namin at ‘yung mukha niya, nadadala siya na naaawa sa akin,” kuwento ni Ibyang, sabay tawag kay Ynez.

“Actually nu’ng unang eksena namin, intimidation is real. Na-intimidate ako sa kanya, kasi Sylvia Sanchez. Maski na trabaho, iba ang feeling,” sabi ni Ynez.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Nu’ng sinabi niyang, ‘ate natatakot ako sa ‘yo’, sabi ko, ‘magaling ka, Ynez, magaling ka! Hindi ka lang nabibigyan ng magandang proyekto. Katulad lang kita noon na alam kong meron akong ibubuga, pero hindi ako nabibigyan ng magandang proyekto’. At ngayon, nabibigyan na ako kaya may nagsabing marunong akong umarte.

“Kaya si Ynez kapag nabigyan ng malaking proyekto, maniwala kayo sa akin, buo ang puso ni Ynez. Hindi ko siya itinataas, hindi ako nagsasalita nang ganito dahil kaibigan ko siya, it’s not my cup of tea na pumuri sa isang artista na alam kong hindi naman kapuri-puri!

“Kaya nu’ng nakita ko (umarte), sabi ko, ‘Ynez konek ka lang sa akin, gawin natin ‘to. Collaboration tayo, meet half-way tayo. Gawin natin itong maganda’. Kaya nu’ng unang take namin nadala ko siya at sa second scene. Kaya iniiwasan ko siya para hindi siya kabahan.”

“Ano kasi siya (Ibyang), since walang rehearsal, hindi mo nakikita ‘yung gagawin niya. Siyempre ako naka-concentrate ako sa gagawin ko, so akala ko ‘yun lang ang gagawin niya, ‘pag tingin ko boom, ibang tao na siya. Kaya naninigas na ‘yung leeg ko, kasi nilalabanan ko, ‘yung emosyon umaakyat sa mukha at sa mata kaya sa sobrang powerful ng mata niya, naawa ako sa kanya. Kaya sabi ko, ‘shit naaawa ako sa kanya, hindi puwedeng mate-take 2 ako’. Kaya struggle is real talaga. Nilalabanan ko talaga ang sarili ko,” ani Ynez.

May eksenang ihahampas daw ni Sylvia ang ulo ni Ynez sa semento pero kinausap niya na katawan na lang, kasi baka raw may pakong pumasok sa ulo ng huli.

“Ang nangyari, ni-rehearse namin, sabi ko ‘hahawakan ko ang mukha mo. Isunod mo lang ang katawan mo at huwag mo ikontra (pigilan)’. Okay naman ang resulta. Sana hindi ka nasaktan, Ynez,” natawang baling ni Sylvia sa aktres.

Sabi pa ni Ibyang, kahit siya ang bida sa Jesusa ay ayaw niyang siya lang ang mapansin.

“Gusto ko ‘pag pinuri ako, purihin din ang lahat ng kasama ko. Gusto ko mapuri kami buo,” sabi ni Ibyang.

Ang Jesusa ay mula sa direksiyon ni Ronald Carballo, at produced ng OEPM Productions.

-Reggee Bonoan