Determinado ang pamahalaan na isulong at protektahan ang kapakanan ng mga seaman at iba pang mga overseas Filipino worker (OFW) bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Sa commissioning ceremony kamakailan ng bagong training ship na M/V Kapitan Gregorio Oca sa Maynila, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kinikilala nito ang mga OFW bilang “modern-day heroes” na karapat-dapat na suportahan ng pamahalaan.

Ayon kay Nograles, tuluy-tuloy na nagpapatupad ng mga hakbangin ang administrasyong Duterte upang matiyak na napangangalagaan ang kapakanan ng mga OFW, kabilang ang pagtatatag ng mga one-stop center upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan, kabilang na ang pagkakaroon ng sarili nilang bangko.

“The DoLE (Department of Labor and Employment) has likewise established 17 One-Stop Shop Service Centers where OFWs can avail of government services. These One-Stop Shops have extended assistance to 1.22 million OFWs,” sabi ni Nograles.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The first-ever OFW Bank has also been created to respond to the financial needs of Filipino migrant workers and their families,” dagdag niya.

Sinabi pa ng opisyal na nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 10928 na nagpapalawig sa validity ng Philippine passport sa 10 taon.

“It’s a boon for seafarers who want to spend their shore time with loved ones instead of lining up for needed official documents,” sabi ni Nograles.

Sa kanyang speech, partikular na tinukoy ng dating kongresista ang mga Pinoy seaman bilang “the best and most trusted in the world”, at pinuri ang inagurasyon ng bagong training vessel.

“It’s common knowledge in government, the maritime sector, and beyond our shores that Filipino seafarers are world-class. They are the most sought-after seafarers in the global shipping industry. We are the first choice to man ships at sea, from luxury cruise vessels to giant tankers,” sabi ni Nograles.

Batay sa estadistika ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sinabi ni Nograles na bawat $100 cash remittances na natatanggap ng bansa mula sa mga OFWs, $20 ang nagmumula sa mga seaman.

Nagpadala ang mga Pinoy seaman ng kabuuang $1.9 billion simula Enero hanggang Abril 2018.

Aniya, ang bagong barko, na gagamitin sa pagsasanay ng mga estudyante ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP), ay makatutulong upang mapag-ibayo ang kakayahan ng mga Pinoy seaman.

Ang 1,750 gross ton na barko, na binuo sa Japan at dumating sa Maynila nitong Enero 24, ay maaaring magsakay ng 138 tripulante. May service speed ito na 13.8 knots.

-GENALYN D. KABILING