Mabilis na pinabulaanan ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga haka-haka na may problemang pangkalusugan ang Presidente makaraang hindi ito dumalo sa isang mahalagang event nitong Biyernes.
Lumutang sa social media ang mga espekulasyon tungkol sa tunay na kalagayan ng Pangulo matapos na kumpirmahin ng Malacañang na hindi nakadalo si Duterte sa isang event sa Palo, Leyte dahil masama ang pakiramdam nito.
Sinabi rin ng Palasyo na may mahalagang bagay na kailangang asikasuhin ng Presidente ang nakansela rin dahil sa parehong dahilan.
Sa isang text message, kaagad na pinabulaana ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang nasabing mga espekulasyon tungkol kay Duterte.
“Ok lang siya oi,” sinabi ni Go bilang tugon sa isang Facebook user na nagsabing may mga kumpirmadong ulat mula umano sa kampo ni Senator Koko Pimentel na may nangyari nang masama sa 73-anyos na Presidente.
Bukod dito, nag-Facebook Live rin ang common-law wife ni Duterte na si Honeylet Avanceña, kasama siya, upang ipakita sa lahat na maayos ang kalagayan ng President. Hawak pa ni Avanceña ang mga broadsheets ngayong Linggo.
Nitong Biyernes, idinepensa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang hindi pagdalo ni Duterte sa isang event sa Leyte, sinabing hindi naman superhero ang Pangulo na makakayang puntahan ang lahat ng kanyang commitments.
“He (President Duterte) is not Superman, every person does not feel well sometimes. I don't feel well now and I'm also cancelling my appointment later this afternoon,” ani Panelo.
“I don't think that the President cancelling an event in Tacloban because he is not feeling well is a cause of concern.
“We should in fact commend the President for knowing when to cancel a trip and resting his body if he is not feeling his usual strong self,” dagdag pa niya.
Argyll Cyrus B. Geducos