Inaalok ngayon ng isang British auction house ang kakaibang item na napapanahon para sa pagdiriwang ng Valentine's Day: isang 22-pound meteorite na hugis-puso.
Ayon sa Christie’s auction house, ang “The Heart of Space” meteorite ay bahagi ng isang iron mass na nahati mula sa asteroid belt 320 milyong taon na ang nakalilipas at bumagsak sa Earth noong Pebrero 12, 1947.
Ang 9-inch-long heart piece ay kabilang sa ilang meteorite na nahati mula sa mas malaking meteorite na bumagsak sa Sikhote-Alin Mountain sa Serbia.
"The shockwaves from the low altitude explosion of the main mass collapsed chimneys, shattered windows and uprooted trees," pahayag ng Christie's.
Ayon sa auctioneer, ang heart shape item ay "one of the finest meteorites in private hands."
Inaasahang aabot sa $300,000-$500,000 ang highest bid para sa meteorite.
UPI