HINDI pa magaganap ang pakikipag-isang dibdib ni Polo Ravales sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paulyn Quiza kahit naganap na ang kanyang wedding proposal sa dalaga noong Christmas Day, December 25, 2018.

Paulyn at Polo copy

Sabi ni Polo nu’ng nakausap namin sa grand mediacon ng Bato: The General Ronald de la Rosa Story sa Valencia Events Place, pinaplano pa nila ito nang mabuti. Ayaw daw nila itong madaliin at magaganap daw ito sa 2020 pa.

“Matagal pa,” paglilinaw niya. “Pinagpaplanuhan namin itong mabuti. Ang importante, nakapag-propose na ako sa kanya.

Relasyon at Hiwalayan

Zephanie Dimaranan, may nilinaw sa naging relasyon nila ni Michael Sager

“Gusto namin, simple lang. Very intimate, konti lang ang bisita. Tipong one hundred plus lang ang guests. Gusto namin sa Tagaytay. Although, wala pa talagang definite,” kuwento pa ng 36-year old actor.

Eksaktong one-year ang kanilang relasyon ni Paulyn sa wedding proposal ni Polo sa kanyang fitness specialist girlfriend. Sabi namin, hindi ba masyadong mabilis?

“I don’t think so,” mabilis na tugon ng former TGIS star. “Mararamdaman mo naman pala ‘yun, napi-feel mo naman [ito] kapag right time na, right person.”

Sa kuwento ni Polo, single siya for a year nu’ng 2017 tapos ay ipinakilala sa kanya ng isang nilang mutual friend ni Paulyn na matagal na rin daw niyang hindi nakikita at nakakausap.

“Nag-arrange sa akin ‘yung isa naming common friend. Sabi niya, may ipapakilala raw siya sa akin. That time, I was single for a year. It was December 25, 2017, nasa isang bar lang ako. Sa loob ng bar, nagdasal ako.

“Sabi ko, ‘Lord, sana, ibigay mo na ‘yung girl na para sa akin.’ Gusto ko nang magkaroon ng sariling pamilya. December 26, 2017, nagkakilala kami.”

“Pagkatapos ko ng taping ng La Luna Sangre, nagte-taping pa ako nu’n, nag-meet kami tapos from there, I felt na [she] was different. So ‘yun, naging maayos ‘yung takbo ng relasyon namin,” salaysay ng former love team ni Sunshine Dizon.

Anyway, showing pa sa mga sinehan nationwide ang pelikulang Bato: The Gen. Ronald de la Rosa Story na produced ng ALV Films at Benchingco Films at distributed ng Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

Ang pelikula ay biopic ni dating Philippine National Police at Bureau of Corrections Chief retired Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, na ginampanan ni Robin Padilla, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

-Lito T. Mañago