Kongreso, binigyan ng ‘pangil’ ang GAB vs illegal on-line sabong

NAKAKUHA ng kakampi ang Games And Amusement Board (GAB) sa House of Representative.

MITRA: May pangil na kami sa GAB.

MITRA: May pangil na kami sa GAB.

Alex Eala, inakyat ulit new-career high bilang rank 40 sa mundo!

Sa pamamagitan ni Rep. Gus Tambunting, sinangayunan ng Mababang Kapulungan ang House Bill 4843 o mas kilala bilang “An Act Strengthening the Games and Amusement Board and for other purposes” na naglalayong bigyan ng pangil ang GAB para maisakatuparan ang mandato na iniaatas ng pamahalaan.

Nagkakaisa ang the House na napapanahon na tugunan ang pangangailangan ng GAB “seeking for provision of expanded powers to GAB for enforcement of laws relevant to professional sports, in connection with the developments of new forms of professional sports and modes of betting systems because of new technology.”

Magkasamang ipinasa nina Rep. Winston Castelo at namayapang  Rep. Rodel Batocabe ang naturang House Bill na nagbibigay ng kapangyarihan sa GAB – isa sa mga opisina na nasa ilalim ng Office of the President – na pangangasiwaan at kalusin ang mga pasaway sa horseracing betting.

Bahago ng naturang House Bill ang pagbibigay sa GAB ng mandato na pangasiwaan at iregulate maging ang mga beauty pageants, concerts, at maintenance sa theme parks.

Nitong Enero 17, naghain ni Rep. Joseph Sto.Niño B. Bernos ng  HB 6983, kilala bilang  “Act strengthening the role of GAB in the operation of cockfighting in the Philippines”.

Ang naturang bill ay isang pamamaraan upang maamyendahan ang Cockfighting Law of 1974 and for  other purposes, upang maisakaturapan ng GAB ang kapangyarihan na magbuo ng ‘uniform rules and regulations’ sa lahat ng sabungan sa bansa.

Isinusulong din sa naturang House Bill na mabigyan ng sapat na kapangyarihan ang GAB na ma-regulate ang lumalalang illegal on-line betting sa sabong.

Ikinalugod ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagkilos ng House upang mabigyan ng kaukulang proteksyon ang mga opisyal at personnel ng boxing body.

“Hindi naman kaila na habang ginagwa naming an gaming mga trabaho para matigil ang mga ilegal na bookies at on-line sabong betting, kami naman po ay naasunto. Walang pangil na puwedeng ikagat at GAB. But with this House bill, meron na kaming panlaban, kaya nagtpapasalamat ko kami sa ating mga Kongresista,” sambit ni Mitra.

Matapos maaprubahan ang HB 4843, ipinagutos ni Tambunting ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na pamumunuan ni Rep. Mark Aeron Sambar (PBA Party-list).

 “It’s a good development for professional sports,. It’s a win-win solution for all of us” pahayag ni Mitra na sinagayunan din nina Commissioners Mar Masanguid at Eduard Trinidad.

“We’re very happy to see the HB 4843 get an approval from the House. Now, it’s the turn of the Senate,” aniya.

-Edwin G. Rollon