MAKARAANG sumailalim sa audition at mapili ng production para maging leading man ni Kyline Alcantara sa sisimulang afternoon series na Inagaw Na Bituin, finally, nitong January 25 ay nag-report na sa set ng bagong kantaserye ng GMA 7 ang Chinito actor na si Manolo Pedrosa.
Gaganap si Manolo bilang si Prince del Mundo sa Inagaw Na Bituin, na magsisimulang umere sa Monday, February 11, sa Afternoon Prime ng GMA Network.
Huling napanood si Manolo sa seryeng Pamilya Roces, his first major project after he signed an exclusive contract with GMA Artist Center (GMAAC) last year.
“I’m very happy na napili ako,” sinabi ni Manolo nang bisitahin namin sa kanyang first taping day sa UP Bliss.
“I just did my first scene with Kyline. I’m so happy na pumasa ako sa audition which was last week lang. I just did a few scenes and still trying to figure out my character in the series.
“I’m very much comfortable na with Kyline, kasi nagka-work na kami before sa Daig Kayo Ng Lola Ko. I felt... I’m connected na with her agad, we clicked and so I’m hoping na ma-further pa ‘yung relationship namin,” sambit pa ni Manolo.
His impression sa kanyang bagong leading lady?
“Very mature for her age. Very professional and very friendly. Nu’ng na-meet ko siya sa set ng Daig Kayo Ng Lola Ko, nag-click agad kami. She’s very open, walang walls. Tuloy naging comfortable agad ako sa kanya,” lahad ng binata.
Kumusta naman si Kyline bilang aktres?
“Sabi ko nga very friendly and sweet. I think na any leading man can easily be comfortable with her and that’s really important, kasi acting is not only what you do on-cam but also off-cam. And I would say, du’n nagbi-build ‘yung chemistry,” paliwanag ni Manolo.
After Pamilya Roces, itong Inagaw Na Bituin ang biggest project ni Manolo sa nilipatang Kapuso network.
“Excited po, kasi last ako nag-audition and bigla akong nakatanggap ng text na ‘Manolo, pasok ka na!’ So ‘yun binigyan kaagad ako ng script at nag-report na sa set.
“After Pamilya Roces, nakailang months din po akong walang trabaho, name-miss ko nang umakting. But GMA provides naman TV guestings kapag wala pang regular show, but very grateful na may [bagong] show ulit ako,” sabi pa ng muy guwapitong aktor.
Bida rin sa Inagaw Na Bituin ang Moscow film fest best actress na si Therese Malvar, at bahagi pa rin ng stellar cast sina Sunshine Dizon, Angelika de la Cruz, Angelu de Leon, Gabby Eigenmann, Renz Valerio, Jackie Lou Blanco, Marvin Agustin, at maraming iba pa. Mula sa direksiyon ni Mark Reyes.
-LITO T. MAÑAGO