SA set visit para sa reality-talent show na World of Dance Philippines, nakausap namin nang solo ang isa sa hosts na si Luis Manzano.

Jessy & Luis copy

Diretsahan naming siyang tinanong kung may plano na sila ni Jessy Mendiola na magpakasal ngayong 2019.

“Wala pa naman, at matagal pa, kasi this 2019 will be a new year obviously for us at marami kaming plano this 2019. Pero baka latter part, puwede, ng 2019,” sabi ni Luis. “Kumbaga, we’re hoping for big things muna this 2019, at gusto naming bigyan ng priority.”Binanggit namin na maganda nga ang career ngayon ni Jessy dahil may mga pelikula ang aktres, tulad ng ‘TOL at Stranded, na magkasunod na buwan ipalalabas.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

“Oo, tuluy-tuloy siya sa movie. Ako rin may Minute to Win It, so marami pa kaming gustong ilatag or tapusin this 2019,” sabi ni Luis.

Sa madaling salita wala pang kasalan ngayong 2019, pero may magaganap nang wedding proposal.

“Ayaw kong sabihin kung kailan, ayokong i-preempt for what is worth. Noon pa naman when you realize that to one person you want to settle down. Pero siyempre ayokong sabihin kung kailan, o clues. Gusto ko ‘yung least expected, ‘di ba?

“Gusto ko mawala sa utak niya (Jessy) para kung sakaling mangyari (proposal), magulat,” katwiran ni Luis.

Sabi naming, paano makakalimutan o mawawala sa utak ni Jessy, eh, iyon lagi ang itinatanong dito ng press?“’Yun nga, kaya sana pakiusap ko lang sa press, sana huwag na munang tanungin,” sabi ng host ng World of Dance.

Nabanggit namin na sa nakaraang bakasyon nila ni Jessy ay may video na lumabas na pinag-uusapan nila ang tungkol sa magiging anak nila, at kung anu-ano pa.

“Napag-uusapan talaga namin ang mga plano namin and we’re open. Kaya nga ang pakiusap ko lang, gusto kong sana huwag tanungin at mawala sa utak niya, para at least ‘pag may set-up ako hindi niya alam. Magugulat siya (Jessy). Walang ideya. I want it more special,” pahayag ni Luis.

Samantala, hindi na pala mabilang ni Luis kung pang-ilang hosting job na niya ang World of Dance. At dahil sa itinanong ito sa kanya, sinabi niyang aalamin niya ang sagot pagdating niya sa bahay nila, kung nakailang shows na siya sa ABS-CBN at ilang seasons.

Biniro ang boyfriend ni Jessy kung ano ang mas marami, ang naging shows niya o girlfriends niya?

“Sana shows,” tumatawang sabi ni Luis

-REGGEE BONOAN