NAMI-MISS ni KC Concepcion ang boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart, o PEP, na based sa Los Angeles.
Kamakailan, may hugot post si KC sa Instagram na sinagot ni PEP.
“Life has placed us in a long distance relationship and slow internet connection. I commend all Filipinos especially in this situation—from couples, to families, I understand your frustration. Nag-rhyme na ako. Papunta na sa kanta. Kapit lang, kaya natin ‘yan.”
Sumagot si PEP: “Ahlala such a bad connection! So sorry ma Cherie.”
Nakakatuwa ang payo ng followers ni KC sa convo nila ni PEP. May nagsabing dapat bisitahin ni PEP si KC dito sa bansa. Pero dito nag-Pasko at nag-Bagong Taon si PEP, at nag-extend pa nga ng stay nang ilang weeks.
Pero, tama rin naman ang nagpayo na dapat bisitahin uli ni PEP si KC sa Valentine’s Day, their first Valentine’s Day simula nang magkabalikan sila.
May nagpayo na magpalit ng data si KC, para mabilis ang connection ng kanyang Internet.
Ang pinakamagandang payo, magpakasal na ang dalawa para lagi na silang magkasama, dito man o sa ibang bansa.
-Nitz Miralles