GAGAYAHIN ko ang tatay ko.
Ito ang binitiwang pangako ni Jasmin Jao ng Black Mamba Energy Drinks sa kanyang motocross career na inaasahang lalong sasagitsit sa pagsaba sa kickoff leg ng MX Messiah Fairgrounds Supercross Series 2019 sa Taytay, Rizal ngayong weekend.
Ang 20-anyos AMA student ay anak ni motocross legend Jao Jao at isa sa mga pangunahing babaeng kalahok sa seven-part series na itinataguyod ni motocross champion-turned-organizer Sam Tamayo.
"It's my dream to follow my Dad's footsteps in motocross. Maging gaya niya na champion," pahayag ni Jao sa kanyang pagdalo sa 8th "Usapang Sports" ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.
"Madami ding mga magagaling na female riders ngayon but I am training very hard to improve my skills and keep pace," dagdag pa ni Jao, na isa na ngayong Information Technology student sa AMA University.
Aniya, malaki ang naitutulong ng kanyang ama na si Jolet sa kanyang training at preparasyon bago sumabak sa karera.
Tinukoy din ng batang Jao na sina Pia Gabriel ng Nueva Ecija at Quiana Reyes ang inaasahang makakatunggali niya sa karera.
Kasama ni Jao sa weekly sports forum na sinusiportahan din ng Philippine Sports Commission (PSC) at live televised sa Glitter Livestream sa Facebook sina Tamayo at motocross champion Bornok Mangosong ng Davao. Si Mangosong ang defending men's champion sa karera.