Binawian ng buhay ngayong Sabado ang mahal na ina ng magkakapatid na Omar, Rodjun at Rayver Cruz Ilustre na si Gng. Elizabeth ‘Melody’ Cruz, sa edad na 65.

Rodjun at Rayver

Rodjun at Rayver

Si Gng. Melody ay pumanaw sa Makati Medical Center kung saan halos isang buwan siyang naka-confine sa sakit na cancer sa pancreas.

Siya ay miyembro ng kilalang Cruz family at pinsang buo niya ang aktor na si Tirso Cuz III.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sampung taon na ang nakararaan nang bawian ng buhay ang ama ni Rayver na si G. Rodolfo Ilustre dahil sa kidney failure.

Base sa kuwento sa amin ng manager ni Rayver na si Albert Chua, nalaman ng magkakapatid na nasa stage 4 na ang sakit ng ina nang magpa-check up ito dahil dumaing sa pananakit ng likod.

Kumpleto ang magkakapatid na Omar, Rodjun at Rayver (humabol galing taping ng Asawa Ko Karibal Ko) nang malagutan ng hininga ang ina.

Batay sa pahayag ng pamilya Ilustre, ibuburol ang ginang sa La Funeraria Paz sa Sucat, Paranaque hanggang sa Huwebes, Pebrero 7. May misa ngayong Sabado ng gabi, ganap na 8:00 ng gabi.

Mula po sa pahayagang BALITA ang aming pakikiramay sa pamilya nina Omar, Rodjun at Rayver.

Reggee Bonoan